top of page
Search
BULGAR

Karapatan ng akusado sa ‘release on recognizance’

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 20, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Nakapaloob sa ating Saligang Batas, partikular sa Artikulo 3, Seksyon 13, Lipon ng mga Karapatan, ang mga sumusunod na probisyon:


“SEK. 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarusahan ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat mapiyansahan ng sapat na piyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas. Hindi dapat bawalan ang karapatan sa piyansa kahit na suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis na piyansa.”


Isa sa mga uri ng piyansa na pinapayagan ng hukuman ay ang “release on recognizance.” Ang “recognizance” ay isang paraan upang makalaya pansamantala ang akusado, maliban sa mga akusadong inaakusahan ng mga krimen na ang kaparusahan ay “Death,” o “Reclusion Perpetua o Life Imprisonment.” Ang akusado ay maaaring makalabas ng piitan sa pangangalaga ng isang responsableng tao sa lipunan matapos na maghain sa husgado ng kanyang aplikasyon sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 10389 o mas kilala sa titulong “Recognizance Act of 2012”.  Kinakailangan lamang na mapatunayan ng akusado na hindi siya makapagpiyansa dahil sa lubos na pagkahikahos sa buhay.  (Section 3, R.A. No. 10389). 


Subalit ang karapatang makalaya pansamantala sa pamamagitan ng recognizance ay hindi maaaring hilingin ng mga sumusunod:


(a) The accused bad made untruthful statements in his/her sworn affidavit prescribed under Section 5(a);


(b) The accused is a recidivist, quasi-recidivist, habitual delinquent, or has committed a crime aggravated by the circumstance of reiteration;


(c) The accused had been found to have previously escaped from legal confinement, evaded sentence or has violated the conditions of bail or release on recognizance without valid justification;


(d) The accused had previously committed a crime while on probation, parole or under conditional pardon;


(e) The personal circumstances of the accused or nature of the facts surrounding his/her case indicate the probability of flight if released on recognizance;


(f) There is a great risk that the accused may commit another crime during the pendency of the case; and


(g) The accused has a pending criminal case which has the same or higher penalty to the new crime he/she is being accused of. (Section 7, R. A. No. 10389).


Ang kuwalipikasyon ng taong maaaring magkaroon ng kustodiya sa nasabing akusado ay nakasaad Section 8 ng batas na nagsasaad: 


(a)A person of good repute and probity;


(b)A resident of the barangay where the applicant resides;


(c)Must not be a relative of the applicant within the fourth degree of consanguinity or affinity; and


(d) Must belong to any of the following sectors and institutions: church, academe, social welfare, health sector, cause-oriented groups, charitable organizations or organizations engaged in the rehabilitation of offenders duly accredited by the local social welfare and development officer.


Sa kawalan ng mga nabanggit sa Seksyon (d) sa itaas, ang kustodiya ng isang akusadong kuwalipikado at pinayagan ng hukuman matapos magsumite ng kanyang aplikasyon ay maaaring igawad sa isang kuwalipikadong miyembro ng barangay, siyudad o munisipyo kung saan ang akusado ay nakatira.

Recent Posts

See All

Hozzászólások


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page