ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 13, 2023
Nitong nakaraang Agosto 9, ipinagdiwang natin ang ika-29 na International Day of the World’s Indigenous Peoples.
Ang araw na ito ay napili ng United Nations General Assembly bilang pag-alala sa unang meeting ng UN Working Group on Indigenous Populations noong 1982.
Isa ang Pilipinas sa 144 na bansa na bumoto sa UN General Assembly para i-adopt ang United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP).
Sa tulong ng deklarasyon na ito, nagkaroon ng universal framework para sa minimum standards ng pangangalaga sa karapatan ng mga IPs.
☻☻☻
Ayon sa iba’t ibang mga tala, aabot sa 110 indigenous cultural communities/indigenous peoples (ICC/IP) sa ating bansa.
Nakakalungkot po dahil kahit na malaking bahagi ng ating populasyon ang mga IPs, tila hindi nabibigyan ng pansin ang kanilang kapakanan.
Ayon sa report ng International Labor Organization, lubhang mataas ang unemployment, underemployment, at illiteracy rate ng mga IP sa bansa.
Dagdag pa ng report, tila napapabayaan na ang usapin patungkol sa ancestral domain at land ownership ng mga IPs.
☻☻☻
Umaasa po tayo na ang pagdiriwang natin ng International Day of the World’s Indigenous Peoples ay mabibigyan ng pansin ang marami sa mga isyu na kinahaharap ng ating mga IPs.
Sama-sama po tayo sa pangangalaga at pagsulong sa mga karapatan, pangangailangan, at mithiin ng ating mga katutubo.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments