ni Jasmin Joy Evangelista | March 4, 2022
Dumating na sa bansa ang karagdagang 804,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech na nakalaan para sa mga batang edad 5-11 nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang bagong shipment na ito ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-9 ng gabi.
Ito ay kasunod ng 804,000 pediatric shots na naihatid sa bansa noong Miyerkules.
Binili ng pamahalaan ang mga naturang bakuna sa pamamagitan ng pautang mula sa World Bank.
Sa pangkalahatan, nakatanggap na ang bansa ng 1.6 milyong bakuna laban sa COVID-19 para sa mga bata.
Umabot na sa 736, 880 mga batang 5-11 years old ang nabakunahan mula nang magsimula ito noong Pebrero 7, ayon sa Department of Health.
Comments