ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2021
Dumating na kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang Korean Air flight KE623 na lulan ang karagdagang 37,800 doses ng Sputnik V vaccine mula sa Russia.
Ang mga opisyal ng Department of Health Bureau of International Health Cooperation na sina Dir. Maria Soledad Antonio at Dr. Arthur Dominic Amansec ang sumalubong sa pagdating ng naturang bakuna.
Samantala, ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., ang ilang lugar sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Ilocos Region, Cagayan Valley, Visayas at Mindanao ang target na makatanggap ng Sputnik V vaccines.
Comments