ni Jasmin Joy Evangelista | December 29, 2021
Dumating na ang karagdagang 367,380 doses ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno nitong Martes nang gabi.
Lumapag ang panibagong batch ng bakuna ganap na 9:05 p.m. lulan ng Hong Kong Air flight LD456 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ito ay bahagi ng kabuuang 1,553,930 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan. Unang dumating noong Lunes ng gabi ang 1,187,550 doses ng bakuna.
Ayon kay National Task Forces Against COVID-19 special medical adviser Dr. Ted Herbosa, umaabot na sa 205 million doses ng bakuna ang dumating sa Pilipinas.
"To date, we have landed already 205 million doses of COVID-19 vaccines. We have landed over 59 million (Pfizer COVID-19 vaccines), 39 million procured by the government and another 20 million donated to us,” aniya.
Sa ngayon ay nasa 48 milyon na ang fully vaccinated sa bansa at nasa mahigit 50 milyon naman ang naghihintay na ng kanilnh second dose.
Posible na ring masimulan ang pagbabakuna sa mga kabataan sa susunod na taon.
Kommentare