top of page
Search
BULGAR

Kapuso stars, todo-enjoy, nabitin… ALDEN, NAGPA-EXTEND NG PARTY NG GMA GALA, IBA ANG NAGBAYAD

ni Nitz Miralles @Bida  | July 26, 2024



Showbiz News
Photo: Alden Richards - GMA Gala 2024

Hindi pala si Alden Richards ang nagbayad sa extension ng hotel ballroom kung saan ginawa ang after party ng GMA Gala 2024. 


Nakita ni Alden na nag-e-enjoy ang mga kapwa Kapuso stars kaya ini-request nitong i-extend ang party at siya na raw ang magbabayad ng extension. 


Ibig sabihin, si Alden na ang magbabayad ng ballroom at banda ma-extend lang ang party.


Pero hindi na nga lang umabot na si Alden pa ang magbabayad sa ballroom at banda sa extension ng party dahil ang Sparkle GMA Artist na ang sumagot nito. Ang mahal kaya ng ballroom para gustuhin ni Alden na siya na ang magbayad. 


Pero ayun, hindi na niya kailangang maglabas ng pera dahil binayaran ng Sparkle GMA Artist.


Sa mga napanood naming videos, makikitang nag-enjoy din sa party si Alden. Sumayaw pa ito at kumanta kasama si Brent Valdez. Mas sumaya pa dahil naki-sing-along sa kanila ni Brent ang mga Kapuso talents na nagpasalamat sa kanya.


Still on Alden, tama ang nasulat naming date ng paglipad ni Kathryn Bernardo pa-Canada para sa shooting nila ng Hello, Love Again. Natuloy siyang umalis noong July 23 at susunod si Alden sa July 27. Kaya, wala rito si Alden sa world premiere ng Pulang Araw sa GMA-7 sa July 29.


Bago pala lumipad pa-Canada si Alden, nagkaroon muna ng groundbreaking ceremony para sa second branch ng kanilang McDonald’s. 


Sa Sta. Rosa, Heritage Square “Bayan” ang second branch ng McDo ng mga Faulkerson. Ang first branch nila ay nasa Biñan, Laguna naman.


 

P1.2 M BAG NI MARIAN SA GMA GALA, INOKRAY NA MARUMI AT BINILI LANG SA QUIAPO


Marian Rivera IG

Inokray ng basher ni Marian Rivera ang Bottega Veneta bag na gamit niya sa GMA Gala 2024 dahil marumi raw at baka sa Quiapo lang binili. 


Kahit ipinamukha na sa basher ang brand ng bag at design lang 'yung nakita niyang akala niya ay dumi, ayaw pa ring tumigil ng basher.


Natameme lang ang basher nang sabihin sa kanyang worth P1.2 million ang bag na kanyang inokray. Pero hindi siya totally tumahimik, may mga hirit pa rin ito kahit sinabihan siyang i-delete ang kanyang tweet dahil mapapahiya lang siya.


Anyway, nai-share pala ni Dingdong Dantes ang BTS ng GMA Gala special short film na ginawa nila ni Marian. Parang pelikula ang paghahanda sa special short film na idinirehe ni Sid Maderazo at maganda ang feedback ng mga netizens. 


Ang biruan nga ng kanilang mga fans, itinuloy daw kaya nina Dingdong at Marian ang kanilang sexy and hot special short film pag-uwi nila ng bahay?


Samantala, malapit na ang magkasunod na birthday nina Dingdong (August 2) at Marian (Aug. 12). Saan kaya nila ise-celebrate ang kani-kanilang birthday na dapat maging bongga sa dami ng blessings na dumating at dumarating pa sa kanila?


Update kay Marian, nakita siya sa WalterMart, namili ng saku-sakong bigas na ido-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Carina. 


In fairness, laging tumutulong sina Marian at Dingdong kapag may kalamidad.


 

NAI-SHARE sa Facebook ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang experience niya sa Bagyong Carina nang anurin ng baha ang kotse ng anak niyang si Andre Yllana.


Sinubukan daw niyang habulin ang kotse,  pero dahil sa malakas at mabilis na alon, inanod din ang car. Wala pang update si Aiko sa nangyari sa kotse ni Andre. Hindi lang kami sure kung ‘yung ipinost niyang kotse ay ang sasakyan ng anak.


Pero kahit binaha at kulang ng staff dahil karamihan sa mga tao niya ay binaha rin, tuloy pa rin ang pagtulong ni Aiko sa kanyang mga constituents. Mula sa pagre-repack at pagbuhat sa relief goods, tumulong si Aiko at nakatutuwa na may kasamang gulay ang relief goods na ipinamigay niya.


Samantala, very proud si Aiko sa dalaga niyang si Marthena Jickain na bukod sa maganda, volleyball player din. Wala yatang balak mag-showbiz si Marthena at nabanggit naman ni Aiko na hinahayaan niyang magdesisyon ang anak sa kung ano ang gustong trabaho.


 

Isa sa mga karakter sa Black Rider na minahal ng mga viewers ay ang kay Rio Locsin bilang si ‘Nay Alma, ang ina ni Elias (Ruru Madrid). 


Mami-miss ng mga fans ang mga eksena nila ni Ruru na dahil sa closeness, para talaga silang mag-ina.


May mga eksena si Rio na hindi malilimutan. Isa rito ang paglangoy sa swimming pool na sa series, pinalabas na tubig. Game na nag-dive si Rio kahit puwede namang dayain ang eksena.


Ipinagmamalaki rin ni Rio na wala siyang bad experience sa mga bagets cast ng series na magagalang daw at inirespeto siya. 


Ang napansin lang niya, lax ang mga bagets , unlike sa panahon niya na sobra silang seryoso sa kanilang trabaho.


Sa BlackRider din nagkaroon uli ng love team si Rio sa katauhan ni Raymond Bagatsing at biro nga ng mga viewers, may kilig kina Alma (Rio) at Edgardo (Raymond).


This Friday na ang finale episode ng action-packed series at nagtapos ito na naging very close ang buong team sa pangunguna ni Direk Rommel Penesa.




0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page