top of page

Kapapanganak pa lang daw kay Julia… MARJORIE, NAWALAN NG EARDURM SA SAPOK NI DENNIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 13, 2025



Photo: Marjorie Barretto sa interview ni Ogie Diaz - YT


Sa kabilang dako, Marjorie Barretto finally came out and spoke her side and defended her children.


Grabe, pero sa napakagandang paglalahad ni Marj ng kanyang saloobin hinggil sa mga isyu nila ni Dennis Padilla, lalong nabaon si Dennis sa mga bashers.


Sa show din ni Mama Ogie Diaz siya nagbigay ng pahayag at talaga namang inisa-isa niyang binanggit — simula nu’ng mag-asawa pa sila, hanggang sa maghiwalay — ang tunay na ugali ni Dennis.


Ang maganda sa pagkukuwento ni Marjorie, madetalye niyang ipinakilala or shall we say, ipinaalala sa madla ang kakaibang katauhan ng aktor, through events na nabalitaan at nasaksihan din naman ng mga tao.


Isa nga rito ang hinggil sa pagkawala ng kanyang eardrum matapos siyang masapok ni Dennis noong 1 month old pa lang si Julia. Naging kapani-paniwala ang mga kuwento niya lalo na sa ‘bad temper’ ng dating mister. 


Ang gusto ni Dennis, hindi relasyon sa mga anak. Ang gusto niya, atensiyon,” saad pa ni Marj sa kung bakit laging dinadala ni Dennis sa social media ang mga usapin nila.


Pinabulaanan din niya ang mga emote ng dating mister sa wedding ni Claudia, lalo’t naglabasan ang mga photos and videos na “well-received” naman ito. 


“‘Yun lang talaga. I will never give him that. I raised my children alone at bilang ina, hindi talaga ako papayag na makasama siya sa upuan ng mga parents sa kasal ni Claudia. There’s also no truth that I manipulated everything dahil ni hindi ko nga gusto ang maglakad sa altar kasama ni Claudia but there is this tradition and practice sa church regarding du’n sa pag-angat o pagbaba ng belo ng bride bago i-introduce sa husband. 


“At saka, hindi ‘yun call ng wedding coordinator dahil ‘yung mga taga-simbahan ang nagsasabi nu’n,” paliwanag pa ni Marj.


Sa napakahaba at madidiin na pagkukuwento ni Marjorie, nakuha niya ang simpatya at paniniwala ng madla, at pinatunayan niyang sinungaling at mapaggawa ng istorya si Dennis, lalo’t sinabi niyang nagbitbit pa ito ng kasamang videographer at binigyan ng direksiyon kung paano siya kikilos sa wedding. 


“Good thing there are other people who were also recording or getting videos of the event kaya may proof kami sa mga ikinilos niya,” hirit pa ng nanay nina Dani, Julia, Claudia at Leon.


 

Kung dati, kasing-init ng summer ang lambingan… KYLINE AT KOBE, NAGKASAWAAN DAW KAYA NAGHIWALAY


MUKHANG maaga ring nag-Biyernes Santo ang mga supporters nina Kyline Alcantara at Kobe Paras dahil sa balitang nag-break na ang mga ito.


Tila nag-expire na raw ang noo’y kasing-init ng summer na feeling ni Kobe kay Kyline dahil nga sa burado na ang mga photos nila sa socmed (social media) account ng binata.


Wala pa rin kaming nakukuhang kasagutan sa mga kinauukulan o mga malalapit sa dalawa, pero may tsika na baka naman nagkakatampuhan lang ang mga ito gaya ng ibang celebs na nagde-delete ng mga photos.


“Hindi po, mukhang hiwalay na talaga. Sila ‘yung sumunod kina Paul Salas at Mikee Quintos na nagkasawaan at may pressure raw sa families kaya naghiwalay?” sey ng ilang Marites na invested sa isyu. Hahaha!


Pati ba naman ‘yan?

 

SI Janine Gutierrez mismo ang nag-post sa kanyang Instagram (IG) account hinggil sa pagkamatay ng kanyang “Mamita” Pilita Corrales nitong Sabado ng umaga, April 12.


Muli na namang nagluksa ang showbiz industry dahil isang icon at legend ngang maituturing si Pilita na tinaguriang Asia’s Queen of Songs. Eighty-five years old na si Mamita at inulila nga niya sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez.


Sampu ang kanyang mga apo sa mga ito kasama na nga si Janine.

Forever nating makakasama ang mga awitin ni Mamita, pati na rin ang mga pelikula at TV shows na kanyang ginawa.


Wala pang detalyeng ibinigay ang pamilya tungkol sa sanhi ng pagkamatay at ano ang arrangement ng burol at lamay nito habang isinusulat namin ang balitang ito, pero tiyak naming marami ang malungkot at magdarasal para sa isang gaya niya na nakapag-iwan nga ng magandang marka sa industriyang ito, at kahit na sa buong mundo. 

Rest in peace po, Tita Pilita, our dear Mamita.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page