top of page
Search

Kapampangan pinitpit ang Bulacan sa President's Cup

BULGAR

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 11, 2023




Bumawi ng todo si Lhancer Khan at ang bisitang KBA Luid Kapampangan sa 111-98 pagdurog sa DF Bulacan Stars Linggo ng gabi sa 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President’s Cup sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos City.


Sa unang laro, nagtala ng unang panalo ang CamSur Express laban sa Muntinlupa, 101-100. Nagsabog ng 31 puntos, 9 na rebound at anim na agaw si Khan upang tanghaling Best Player at burahin ang alaala ng nakaraang laro nila kung saan hindi siya pumuntos sa 74-92 talo sa Santa Rosa Lions noong Hulyo 2 sa Angeles University Foundation.


Hindi maganda 'yung natalo kami sa homecourt kaya salamat sa coaches at teammates ginamit namin iyan na motivation,” wika ni Khan.


Ang 31 ang may pinakamaraming puntos ng isang manlalalaro sa tatlong linggo ng NBL. Maliban kay Khan, nagsumite sina Mark Jhasper Manalang ng 20, Brian So ng 12 at Karl Bench de Jesus ng 11 na lahat din ay pinakamataas nilang marka sa liga.

Lumaban ng mahigpitan hanggang sa huli ang CanSur at Muntinlupa para makamit ang unang tagumpay at maiwasan ay lumagpak sa kartadang 0-2. Ipinasok ni Neil Justine dela Cruz ang dalawang mahalagang free throw na may 6 na segundo sa orasan upang itulak ang Express sa 101-98 na lamang.


May pagkakataon ang Muntinlupa subalit nagmintis ang 3-points ni John Mark Ondevilla at napunta ang bola kay Crispin Barnedo na ipinasok ito ng malapitan sabay tunog ng huling busina. Napiling Best Player si dela Cruz na may 14 na puntos. Malaking bagay ang ipinakita ni dela Cruz upang takpan ang pagliban ng kapwa-guwardiya na si Verman Magpantay na tinamaan ng lagnat.

0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page