top of page
Search

Kapalit ni Ricci Rivero… ANDREA, GUWAPONG BASKETBALL PLAYER NA SI SAMUEL FERNANDEZ ANG BAGO

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 21, 2025



Photo: Andrea Brillantes at Sam Fernandez - Circulated, IG FB


May love life na naman ngayon si Andrea Brillantes at masaya ang kanyang Valentine date. 


Ipinasilip ni Andrea sa kanyang Instagram (IG) ang larawan kung saan may hawak siyang malaking bouquet ng pink roses habang nasa isang yate. 

Isang guwapong basketball player ng San Beda ang bagong inspirasyon ni Andrea. Ito ay ang 6’3” ft. tall na si Samuel Fernandez. 


Ang unang nakarelasyon ni Andrea ay si Ricci Rivero, na nauwi sa paghihiwalay. Hindi maganda ang kinahantungan ng kanilang relasyon. 


Naging malapit din si Andrea sa aktor-singer-dancer na si Kyle Echarri, pero ‘good friends’ lang daw sila at hindi naging magdyowa. Hindi nauwi sa seryosong relasyon ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. 


Binuo ng kanilang mga fans ang KylDrea love team pero hanggang sa kamera lang ang kanilang sweetness sa isa’t isa. 


Pansamantalang nagpahinga ang puso ni Andrea kaya last year ay walang gaanong ganap ang kanyang buhay. Tumutok siya sa kanyang negosyo.


Pero ngayong 2025, kulay rosas na naman ang mundo ni Andrea dahil sa isang guwapong basketball player ng San Beda. Matangkad at malakas ang appeal ni Sam Fernandez. Habulin din ito ng chicks, pero kay Andrea siya nagkagusto at madalas na silang nagde-date. 


Kaya naman, marami ang naiinggit ngayon at inaabangan ng lahat ang mga kaganapan sa bagong chapter ng love life ni Andrea Brillantes.


 

Mata pa lang daw, umaakting na… 

BIANCA, MAY ‘K’ PUMALIT SA TRONO NI NORA 


BASE sa reaction ng mga nakapanood sa premiere night ng pelikulang Mananambal na pinagbibidahan ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor, napakagaling daw ng Kapuso actress na si Bianca Umali na kasama ni Aunor sa pelikula. 


Kuhang-kuha raw ni Bianca ang ‘mata-mata’ acting na trademark ni Nora. Talagang lumutang ang husay ni Bianca sa pag-arte sa mga eksena nila ng Superstar. Nasabayan-napantayan ni Bianca ang galing ni Nora sa Mananambal


At tama lang na sa drama luminya si Bianca dahil ito ang kanyang forte. Kaya naman, siya ang pinagbibida ng GMA Network sa mga seryeng mabibigat ang tema. 


Habang nagtatagal ay lalong nade-develop ang pagiging aktres ni Bianca Umali. Asset niya ang kanyang mga mata na nagagamit niya sa mabibigat na eksena.


Sabi nga ng ilang movie critics na nakapanood sa Mananambal, si Bianca ang posibleng humalili kay Nora Aunor kapag nagretiro na ang Superstar sa showbiz.


Ang Mananambal ay mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. at produced ng Viva Films. Kasama rin sa cast sina Edgar Allan Guzman, Kelvin Miranda, Jeric Gonzales at Martin del Rosario! 


Hindi dapat palampasin ng mga Noranians ang Mananambal na puwedeng pumantay sa Himala ni Nora Aunor.


 

TIYAK na marami ang nagtataka kung bakit tinanggap ni Camille Prats ang kanyang role sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Mommy Dearest (MD) na isang kontrabida.


Dati ay wholesome at api-apihan ang role na madalas ginagampanan ni Camille sa mga seryeng kanyang tinatanggap. ‘Yun ang image niya na nagmarka sa mga viewers. 


Pero ngayon, sa MD ay bida/kontrabida nga ang kanyang role. Malaking challenge ito at kailangan na maging convincing ang kanyang pagganap. 


Sey nga ni Camille, humingi siya ng tips kay Katrina Halili kung paano maging bad girl. Si Katrina ay nagmarka bilang kontrabida sa mga seryeng kanyang ginawa sa GMA-7. 

Ngayon ay nagkapalit sila ng role ni Camille sa MD. Kalmado ang acting ni Katrina sa MD dahil hindi salbahe ang kanyang role. 


Kasama nina Camille at Katrina sa MD sina Shayne Sava at Dion Ignacio. 

Well, at least ay mapapahinga pansamantala si Katrina Halili sa kanyang pagganap na kontrabida. Hindi na siya kaiinisan ng mga viewers. 


Ma-achieve kaya ni Camille Prats ang kontrabida image niya sa MD? ‘Yun ang malaking challenge na kanyang kakaharapin.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page