ni Mylene Alfonso | July 1, 2023
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community na poprotektahan sila ng kanyang administrasyon laban sa anumang diskriminasyon.
"We in the Philippines, ang habol lang naman talaga natin is that everybody is treated [equally], not for any other thing — not for race, not for creed, not for orientation — but just as Filipinos. This government, that's what it's trying to do," wika ni Marcos sa isinagawang pulong sa Palasyo kasama ang mga miyembro ng LGBT Pilipinas, isang grupo na sumuporta sa kanyang presidential bid noong nakaraang taon.
Sa pulong, hiniling ng LGBT Pilipinas na magkaroon sila ng representasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng isang advisory body o commission sa LGBTQIA+ affairs sa ilalim ng Office of the President.
Nabatid na humingi ng suporta ang grupo kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa pag-endorso ng nasabing panukala na posibleng aprubahan umano ni Pangulong Marcos.
"Knowing my husband, I’m sure he will grant the wish because he knows that you all campaigned for him and he wouldn’t be there without you guys. So, thank you very much. I think it’s our way of giving back to those who helped him in the election," pahayag ng First Lady.
Matatandaang nakabinbin pa rin sa Kongreso ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) bill sa gitna ng pagtutol ng mga religious groups kung saan dalawang dekada nang walang proteksyon ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ayon kay Senadora Risa Hontiveros.
Comments