top of page
Search
BULGAR

Kapalit ng access sa kanyang office laptop… 300K, pangako sa dating Smartmatic employee

ni Zel Fernandez | April 19, 2022



Tinatayang aabot sa 300 libong piso ang diumano’y ipinangako sa dating empleyado ng Smartmatic na may kinalaman sa data breach ng kumpanya.


Sa isinagawang pagdinig sa Senate Committee on Electoral Reforms kaninang umaga, napag-alaman ng NBI na isang third party umano ang nag-alok ng training modules at perang aabot sa halagang 300 libong piso sa dating Smartmatic employee na si Ricardo Argana, kapalit ang pagbibigay nito ng access sa kanyang office laptop.


Pahayag ng NBI, matapos nito ay nakaranas umano ng ‘unusual traffic’ at ‘downloads’ sa Smartmatic system na may kaugnayan kay Argana. Ayon naman sa Smartmatic, imposible umanong makaapekto sa 2022 National Elections ang na-access na file mula sa laptop ni Argana.


Samantala, nauna nang iginiit ni Sen. Imee Marcos, Senate Electoral Reforms Committee Chair, na hinihinalang mayroong security breach sa operasyon ng Smartmatic. Gayunman, ani Comelec Commissioner Marlon Casquejo, walang cyber attack sa sistema ng Comelec.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page