ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 22, 2024
Dear Maestro,
Magka-compatible ba ang Aquarius at Leo? Ang dami ko na kasing naging karelasyon, pero lagi na lang akong bigo at iniiwan ng mga lalaking nakakasama ko.
Isinilang ako noong February 12, 1998 habang ang boyfriend ko naman ay August 4, 1994. Five years na siyang hiwalay sa kanyang asawa at dalawang beses na kaming nagme-meet. Okey naman siya, ipinakilala niya na rin ako sa parents at mga kapatid niya.
Kami na kaya ang magkakatuluyan at siya na kaya ang itinakda sa aking ng kapalaran upang makasama ko habambuhay?
Umaasa,
Ashanna ng Wawa, Abucay, Bataan
Dear Ashanna,
Ayon sa Oriental Astrology, tunay ngang ka-compatible mo ang isang Leo, dahil siya ang tinatawag na “opposite attract” mo. Nangyaring ganu’n dahil ang Aquarius ay isang “air type sign” habang ang Leo naman ay isang “fire type sign”. Ang hangin o air sa aktuwal na senaryo ang siyang nagpapalakas ng siklab at alab ng mahinang apoy, kaya naman complementary ang inyong samahan, at tinatawag ngang “complementary compatible” kayo.
Dagdag dito, ang birth date niyang 4, ay siya rin namang numero ng zodiac sign mong Aquarius, dahil ang Aquarius na under sa planetang Uranus ay may katumbas na numerong 4.
Kaya nga, sa pisikal na deskripsiyon at mga gawain kung may pagka-weird at unique ang kanyang trabaho o ang mismong background ng kanyang pamilya, iyon na nga ang palatandaang siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran.
Kung nawalay ka sa mga normal o pangkaraniwang lalaki, ‘yun ay dahil hindi sila ang nakatakda para sa iyo, bagkus ang lalaking nakatakda sa’yo ay ‘yung may kakaibang pagkatao o propesyon, iyo na nga ang senyales na siya na ang makakasama mo habambuhay.
Samantala ayon sa iyong Love Calendar, umikot man nang umikot sa kabiguan ang iyong karanasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa panahong itinakda ng kapalaran, matatagpuan mo rin ang lalaking nakalaan para sa iyo at nakatakda itong mangyari sa taong 2026, sa edad mong 28 pataas.
Comments