top of page
Search
BULGAR

Kapaki-pakibang ba ang dagdag-dalawang taon sa high school?

ni Kuya Win Gatchalian - @Win Tayong Lahat | November 1, 2022


Sa isasagawang pagrepaso sa programang K to 12, tinitiyak ng Senate Committee on Basic Education na tutukuyin ang mga estratehiyang magpapaigting sa kahandaan ng mga senior high school graduates pagdating sa trabaho.


Kasunod ito ng paghimok ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte sa pribadong sektor na tanggapin sa trabaho ang mga senior high school graduates. Ito rin ang naging panawagan na ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual noong nakaraang Setyembre.


Bagama’t ipinangako ng K to 12 Law o Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) ang kahandaan ng mga senior high school graduates sa trabaho, kapuna-punang maliit na porsyento lamang ng mga K to 12 graduates ang nakakapasok sa trabaho. Ayon sa 2020 discussion paper ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), mahigit 20 porsyento lamang ng mga K to 12 graduates ang nagiging bahagi ng labor force, samantalang mahigit 70 porsyento naman ang nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral.


Lumalabas din sa parehong pag-aaral na hindi nakakaangat sa mga nakatapos ng Grade 10 ang mga nakatapos sa Grade 12 pagdating sa mga labor outcomes.


Noong nakaraang mga buwan, inihain natin ang Proposed Senate Resolution No. 5 na nagsusulong ng pagrepaso sa pagpapatupad ng K to 12 Law. Kaugnay nito, itinatag ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) upang magsagawa ng malawakang pagsusuri sa performance ng sektor ng edukasyon, kabilang na ang pagrepaso sa programang K to 12. Ang gagawing pag-aaral ay magrerekomenda ng mga reporma upang gawing mas competitive ang mga Pilipino pagdating sa education at labor markets. Sa gagawin nating pag-aaral ng K to 12, tututukan natin kung paano matutupad ang pangakong trabaho para sa mga graduate ng senior high school. Kailangang maramdaman ng mga magulang na hindi lamang dagdag-gastos, kundi may totoong benepisyo ang dagdag na dalawang taon sa high school.

 

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page