ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 17, 2024
May nilagdaang bagong proklamasyon si Pres. Ferdinand Marcos, Jr., na naglalayong palawigin ang kamalayan ng mga kababayan natin para sa mga pinagbubuntis na nalaglag at bagong silang na agad pumanaw.
Itinatakda ng Proclamation 700 ang October 15 kada taon bilang National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day para sa kamalayan at pagbigay ng suporta sa mga pamilyang apektado ng malungkot na pangyayaring ito.
Pinawawalang-bisa nito ang Proclamation 586, na idineklara ang March 25 kada taon bilang Day of the Unborn.
Bukod sa pagkilala ng dinaranas ng mga nanay at pamilyang apektado, layunin din ng Proclamation 700 na magbigay ng komprehensibong suporta sa mga apektadong pamilya, kasama na ang mental health services, community programs, at informed health care guidance.
☻☻☻
Lubos nating sinusuportahan ang proklamasyong ito, na bahagi ng responsibilidad ng estado na protektahan ang kapakanan at kalusugan ng mga nanay at sanggol.
Mahirap at masakit ang mawalan ng anak, lalo pa kung dahil sa mga sirkumstansyang dala ng kahirapan.
Kaya’t mahalaga din na matutukan ang maayos na implementasyon ng First 1,000 Days Law na may mandatong suportahan ang mga nanay at pamilya mula pagbubuntis hanggang sa umabot ng 24 months ang sanggol.
Nakakabit ang kinabukasan ng ating bansa sa kalusugan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Nararapat lamang na gawin ng pamahalaan ang makakaya nito upang masigurong malusog at malakas ang mga kababayan natin upang mas maayos nating maharap ang iba’t ibang hamon ng buhay at pagbuo ng bansa.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments