top of page
Search
BULGAR

Kapakanan at kaligtasan ng mga Pinoy ang iprayoridad

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | May 07, 2021



Itong nagdaang taon, ipinakita ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang importansiya ng serbisyong pangkalusugan. Kailangang mas maisaayos ang mekanismo at kakayahan upang rumesponde sa mga ganitong klaseng krisis at maproteksiyunan, lalo na ang buhay ng bawat Pilipino.


Kaya bilang Chairperson ng Senate Committee on Health, isinulong natin ang Senate Bill No. 2158 na naglalayong magtayo ng Center for Disease Control and Prevention, at ang SB No. 2155 na layunin namang magtatag ng Virology Science and Technology Institute. Hindi natin masabi kung may pandemya pa na darating sa ating buhay. Mabuti na maging mas ‘proactive’ tayo. Matuto tayo sa ating pinagdaanan upang mas maging handa sa anumang krisis na darating.


At para naman matugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayan sa kasalukuyan, patuloy ang pagbubukas ng mga Malasakit Centers. Nagbukas na sa Leyte Provincial Hospital at Schistosomiasis Control and Research Hospital sa Palo, Leyte noong nakaraang linggo; sa Don Jose Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo naman noong Martes; at sa Conner District Hospital sa Apayao at Luis Hara Memorial Hospital sa Mountain Province ngayong Biyernes. Sa kabuuan, mayroon na tayong 108 na Malasakit Centers sa buong bansa na magpapadali sa pagkuha ng tulong pampagamot mula sa gobyerno, lalo na sa mahihirap nating kababayan.


Maliban dito, patuloy pa rin ang ating pagtulong, malasakit at bayanihan sa ating mga kababayang nasa gitna ng krisis ngayon.


Nitong linggo, patuloy ang ating tulong sa mga nasunugan tulad ng 1,243 katao sa Bgy. Cupang, Muntinlupa City; 615 katao sa Tugatog, Malabon City; 167 sa Bataraza, Palawan; 210 sa Bgy. Singcang at Bgy 23-13 sa Bacolod City, Negros Occidental; 210 na pamilya sa Bgy. Ilang, Davao City; limang pamilya sa Bgy. Sauyo, Quezon City; at 126 pamilya sa Taytay, Rizal.


Nagbigay din tayo ng tulong sa mga naging biktima ng mga nakaraang bagyo tulad ng 2,085 na katao sa Lanuza, Surigao del Sur; 3,117 katao sa Prosperidad, Agusan del Sur; at 1,500 na biktima ng mga pagbaha sa Palo, Leyte.


Tinulungan din natin ang ating mga kababayang lubhang naapektuhan ang mga kabuhayan dahil sa pandemya tulad ng mga 2,877 PWDs, TODA members at indigent families sa Mexico, Pampanga; 89 vendors sa Agdao District, Davao City; at 145 indigents sa Digos City, Davao del Sur; 80 hospital staff at 87 pasyente sa ospital sa Barotac Nuevo, Iloilo; 1,987 magsasaka at Bantay Bayan sa Mexico, Pampanga; 135 golf staff sa Fernando Airbase Golf Club House, Lipa City, Batangas; 1,000 construction workers, utility, drivers at indigent families sa Tarlac City; 2,069 katao mula sa Talisay City, Negros Occidental na mga nabiktima ng pagbaha, market vendors, at jeepney drivers; 2,000 katao na binubuo ng mga magsasaka, solo parents, senior citizens, OFWs at mga TODA members sa Sta. Ana, Pampanga; 110 na magsasaka at indigenous peoples sa Cateel, Davao Oriental; 209 displaced workers ng Laoag, Ilocos Norte; at 200 vulnerable workers sa Bayombong, Nueva Vizcaya.


Sa lahat ng ito, namahagi tayo ng pagkain, food packs, vitamins, masks, face shields, sapatos, bisikleta at mga computer tablets. Naroon din ang ibang ahensiya ng gobyerno para mamahagi ng kani-kanilang programa. Siniguro naming nasunod ang mga health protocols sa bawat lugar upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang sakit.


Sa usaping COVID-19, patuloy ang pagbabakuna sa bansa. Bukas ay inaasahan nating darating na ang 1.5 milyong doses ng Sinovac. Pinaghahandaan na rin ang posibleng pagdating ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca mula sa COVAX Facility sa Sabado.


Ginagawa natin ang lahat para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat Pilipino. Patuloy ang malasakit at serbisyo.

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page