top of page
Search
BULGAR

Kapag safe nang gawin... Face masks, optional na lang – P-BBM

ni Lolet Abania | July 9, 2022




Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pinag-aaralan na ng gobyerno na ang pagsusuot ng face masks ay maging optional kapag ligtas na itong gawin, habang nangako siyang hindi na magpapatupad ng mahigpit at malawakang lockdowns sa ilalim ng kanyang administrasyon, base sa inilabas na press release ngayong Sabado.


Iginiit din ni Pangulong Marcos, na nagpositibo sa test sa COVID-19, ang kahalagahan ng pagtanggap ng mga booster shots ng marami, lalo na ng mga kabataan, kasabay ng plano ng gobyerno na mapayagan nang ipagpatuloy ang in-person classes ngayong taon.


“The government may consider relaxing the alert level and make masking optional,” batay sa isang statement mula sa Presidential News Desk.


“Pero hindi po natin gagawin ’yan hanggang maliwanag na maliwanag na safe na talaga. Dahil although so far maganda naman ang takbo, hindi naman napupuno ang mga ospital. Ngunit kung hindi tayo maingat, mapupunta na naman tayo doon.”

Wala nang iba pang detalye na binanggit hinggil dito.


Nag-isyu ng statement si Pangulong Marcos sa ginanap na virtual message nito sa mga alkalde at gobernador nitong Biyernes habang siya ay nananatili sa isolation.


Sa ngayon, ang provincial government ng Cebu lamang, ang may order na ang anti-virus masks ay maging optional sa mga open spaces, kung saan nagdulot ng galit mula sa Department of the Interior Government (DILG) at sa Department of Health (DOH) sa panahon ng mga huling araw ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Gayunman, ang mask-wearing sa Cebu, ay nananatili pa ring ipinatutupad sa mga closed areas at mga lugar na may mass gathering.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page