top of page
Search
BULGAR

Kapag maikli pa ang kumot, mamaluktot at kapag walang kumot, mag-tumbling na! ‘Kalokah!!!

ni Imee Marcos - @Buking | August 28, 2020



Sa panahon ngayon na hirap na hirap tayo, pagdating sa badyetan. Effort kung effort ang pagba-budget ngayon lalo pa’t kakarampot ang iba-budget.


Kaya talagang effort din ang budget management sa halagang ibibigay na dagdag-ayuda sa ilalim ng Bayanihan 2 Bill para sa iba’t ibang sektor na apektado ng COVID-19 pandemic, hindi ko kinaya!


Paano ba naman na hindi pahirapan ang pagbaba-budget ngayon kung ‘yung babadgetin na pondo ay hahagilapin lang. ‘Kalerki, ‘di ba? Grabe to the max ang gagawin natin para pagkasyahin ang hinihanap pa lang na pera!


Ang P162 bilyon, mga frennie, ang orihinal na badyet para sa Bayanihan 2 pero bumaba sa P140 bilyon. Meron naman daw na standby funds, kaya ‘wag mag-alala.


Biruin n’yo, sa P140 bilyon, didiretso sa bangko ang P50 bilyon para sa loan ng MSMES o Micro, Small & Medium Enterprises at kakarampot na lang ang natitira para sa tourism sector, transport group, health workers at OFWs. Jusko day, ang haba ng listahan!


Pinakamasaklap pa nito, ang orihinal na inilalaan natin para sa Cash-for-work program at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng DOLE sa bersiyon ng Senado ay natapyasan pa at P5 bilyon na lang ang natira, ‘maryosep talaga!


Napakapayat talaga, naghahanap pa kami saan kukuha ng pondo, eh, lahat dumaraing na. Nakakalerki talaga! Kaya nga masasabi nating kapag maikli pa ang kumot, bumaluktot at kapag wala nang kumot, mag-tumbling na! Ha-ha-ha!


Kaya naman, mungkahi natin, eh, i-divert ang pondo sa 2020 budget, gamitin na muna ang travel fund ng mga opisyal ng gobyerno. Ibuhos na lahat ng pondo sa ayuda sa ating mga kababayang naghihirap, saka na ang travel-travel na ‘yan ng mga gov’t officials, ‘di ba! Saka COVID-time ngayon, mahirap nang bumiyahe! Agree?

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page