Fni MC - @Sports | August 24, 2022
Halos wala pang isang linggong nag-eensayo kasama ang Gilas Pilipinas, sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Jordan Clarkson ay nakikibagay nang husto sa pambansang koponan bago ang kanilang laro sa Lebanon sa ikaapat na window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios na komportable na si Clarkson sa mga kapwa manlalaro ng Gilas. “Napakahusay niyang nakaka-adapt at nakaka-relate sa tatlong senior coach: sina Chot (Reyes), Tim (Cone), at Jong (Uichico),” sabi ni Barrios.
“Aside from the high energy na napansin ko prevailing sa buong team, as far as Jordan is concerned, pati ‘yung side interaction nila sa kapwa eh ano siya, very comfortable.”
Para kay Barrios, ang mga nationals na patungo sa Lebanon ay may chemistry na ng koponan.
“As far as cohesion is concerned, magandang-maganda. Very promising at very nice to watch silang magkakasama,” wika nito.
Habang si Clarkson ay saglit lang kasama sa koponan, sinabi ni Barrios na ipinakita na ng Fil-Am NBA player na siya ay magaling gaya ng inaanunsyo. “As expected, ‘yung tinatawag na learning curve niya sa plays eh napakabilis. ‘Yung lahat ng katabi ko na nanonood ng practice, iisa lang ang komento nila, iba talaga ang kilos ni Jordan,” dagdag ni Barrios. “Hindi lang siya one cut above the rest, if I may say without downplaying the ability of our players.”
Sa inihayag ng 13-man lineup, kabilang si Clarkson, noong Lunes, sinabi ni Barrios na magbibigay ng magandang laban ang Gilas laban sa Lebanon. “Mabigat ‘yung Lebanon pero we are confident that we will play well. ‘Di natin puwedeng sabihin na siguradong tatalunin natin, pero siguradong lalaban tayo ng magandang laban.”
Makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Biyernes ng madaling araw (oras ng Maynila).
Comments