ni Lolet Abania | July 20, 2020
Nagsagawa ng kauna-unahang rally para sa last-minute presidential campaign si Kanye West habang nagsusumigaw laban sa abortion at pornography, mga polisiya, kasama ng iba pa.
Si West, 43-anyos, dating supporter ni President Donald Trump ay nag-iwan sa mga botante ng pagdududa kung tunay o isang publicity lamang para ibenta ang kanyang albums o merchandise, matapos ang ginawang campaign stunt dahil sa matitinding salitang binitiwan niya sa rally sa Charleston, South Carolina.
Umabot sa isang oras ang pananalita ni West, na tumutuligsa sa abortion, swore, at nanawagan pa sa ibang miyembro na magsalita na dahil dito lumalabas na isinusulong niya ang kanyang policy proposals.
Marami tuloy ang nagpahayag ng komento at pagdududa sa mga nakarinig ng kanyang pananalita.
Comments