ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 31, 2022
Bonggang-bongga ang pag-welcome ng ASAP Natin 'To kay Sarah Geronimo last Sunday (July 24). Nag-trending agad sa Twitter, Instagram at YT ang pagbabalik-ASAP ng Popstar Royalty dahil sa ipinamalas niyang galing sa singing at dancing, lalo na sa kanyang performance video na Duyan sa segment na Sarah G. Specials.
Dahil dito, napuna ng isang netizen na rip-off umano ng isang Korean song ang Duyan.
Meaning, kinopya o ginaya umano ito sa kantang Iyah ni Kang Seung Yoon, a South Korean composer-singer at isa ring actor.
Ayon sa pagsasaliksik ng nasabing netizen, puwede raw pag-ugatan ng kaso ang rip-off o pangongopya ng nasabing Korean song.
Depensa naman ng isang Popster sa nasabing komento, ang IYAH ay 1-year-old lang versus Sarah G.'s Duyan na masasabing 4-year-old song na.
Ang Duyan ay kasama sa This 15 Me album ni Sarah noong 2018 pa at naitampok na rin sa World Music Awards.
Naipatugtog na rin ang Duyan sa ilang banyagang websites at programa sa radyo kasama na ang International Hits ng UK at Asian Pop Nation sa Australia.
Sina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana ang naglapat ng musika sa Duyan, samantalang ang Iyah naman ay isang ballad na awitin ng isang Korean celebrity at inilabas ito noong March, 2021 sa digital at nu'ng Abril, 2021 sa physical.
Comments