top of page
Search

Kani-kanya raw sa bahay… BAYANI, MAKA-BBM, MGA ANAK KAKAMPINK

BULGAR

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 15, 2022



Nakatsikahan namin ang isa sa mga hosts ng Lunch Out Loud, ang noontime show ng TV5, after ng taping ng Maritest, isa sa mga segments ng programa, na si Bayani Agbayani.


Very proud lolo ang aming kausap dahil buntis na naman daw ang kanyang anak na si Thalia sa brother ni Bea Alonzo na si Juan Carlos.


So, how’s it to be a lolo?


"Ayun... masaya... sobrang saya kasi magda-dalawa na ang anak nina Thalia at lalaki uli," masayang sabi ng komedyante-TV host.


Hindi itinatago ni Bayani na siya ay maka-BBM at natutuwa siya na ito ang nanalo.


Kuwento pa niya, sa kanilang pamilya raw ay siya ang BBM supporter, pero ang mga anak niya ay Kakampink.


"Iginagalang ko kung sino ang kanilang sinusuportahan. Hindi ko sinasaklawan ang kanilang karapatan na pumili ng gusto nilang maging lider ng ating bansa.


"Nagpapalitan kami ng aming opinyon but at the end of the day, isa pa rin kaming pamilya na nagmamahalan."


Regarding his career, pangarap din palang maging direktor ni Bayani.


Aniya, "Nagsabi na rin ako kay Bossing Vic del Rosario na gusto kong magdirek. Pumayag naman siya. Under Viva Talents na rin ako, eh."


Sa ngayon ay nag-iisip pa raw siya ng magandang konsepto na siyempre pa, isang comedy at siya rin ang bida.


Kukuha rin daw siya ng mahusay na direktor na mag-a-assist sa kanya.

Bakit hindi niya pinasok ang pulitika?


Lahad ng komedyanteng aktor, "Ako kasi, kung ano ang ibinibigay ng Panginoon sa akin, masaya na ako roon. Tulad ng pagkakasama ko rito sa LOL, magpapagupit ako noon, nakita ko si Jayson Gainza, tinanong ko kung saan siya pupunta, sabi niya, kay Javi Benitez. Tinawagan ko rin si Cong. Javi, ‘yun, sabi niya, pumunta ako. Agad-agad, nasama na ako rito sa LOL.


“Ganu’n din naman ‘yung nangyari sa akin sa I Can See Your Voice, una, reli-reliever lang ako, hanggang sa naging regular ako. Even sa Home Sweetie Home, kaya hindi ko pinaplano, dumarating siya," mahabang sabi ni Bayani.


Samantala, nagbigay din ng mensahe si Bayani sa mga mamamayang bumabatikos kay President-elect Ferdinand Marcos III.


"Sana po, tumanggap tayo ng pagkatalo. Suportahan na lang po natin ang ating bansa. Magkaisa na po tayong lahat. Bigyan natin ng chance ang bagong uupong administrasyon lalo na po si BBM. Unity, ‘yan naman po talaga ang kailangan ng ating bansa. ‘Wag na po tayong magwatak-watak para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas," apela pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page