top of page
Search
  • BULGAR

Kani-kanya na… VICE AT ION, PAREHONG IBA ANG KASAMA SA BAKASYON

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 14, 2023




Isang matalik na kaibigan ni Vice Ganda ang kanyang pinag-aral.


Sa ibinahaging video ng TV host, naibahagi ng best friend niyang si Donna na si Vice ang nagpaaral sa kanya para sa kanyang masteral degree.


Kasama ni Vice na nagbiyahe ang mga kaibigan na sina Petite, Negi at Donna para iselebreyt ang nalalapit niyang kaarawan.


Habang nagbibiyahe ay nahingan sila ng birthday wish para sa TV host.


Ayon kay Donna, hiling niya ang magandang kalusugan para sa kaibigan dahil deserve umano nito ang lahat ng natatamo niyang kaligayahan at biyaya.


Kinaaliwan ang video ni Vice na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.


Naghayag naman si Vice ng pagka-miss sa 'asawang' si Ion Perez na hindi nakasama sa kanyang bakasyon.


Base sa kanilang mga posts, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page