ni Lolet Abania | August 24, 2021
Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang isa sa mga delegado para sa Miss Universe Philippines 2021 crown.
Nai-share ni Gianne Asuncion ng Cagayan Province ang balita sa kanyang Instagram nitong Lunes, habang nag-post ng isang video ng sarili na nakakabit sa kanya ang isang IV at oxygen machine.
Ang beauty queen ay dumaranas ng pneumonia.
“I went silent for days. With the discovery of being COVID positive with pneumonia, I didn’t know how to react. I didn’t know what’s the next that could happen,” caption ni Gianne.
“But you see, this fear of the unknown can’t stop me. It might be hard, but all I know is I will heal. I will get better. Tuloy ang laban,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman siya sa kanyang mga mahal sa buhay, ang Team Cagayan, at kanyang Aces at Queens family.
Noong nakaraang linggo, inianunsiyo ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) na si Gianne Asuncion ay isa sa Top 50 delegates na napabilang para sa susunod na round ng kompetisyon.
Isa rin si Gianne sa 15 queens na nanguna sa competition's Video Introduction challenge.
Sa ngayon, hinihintay pa na mag-isyu ng statement ang MUPO hinggil sa health status ni Asuncion.
Comments