ni Jasmin Joy Evangelista | January 19, 2022
Nagpositibo sa COVID-19 ang top diplomat at adviser to Pope Francis ng Vatican na si Cardinal Pietro Parolin, ayon sa report nitong Martes.
Ang 67-anyos na cardinal na siyang Vatican Secretary of state at pangalawa kay Pope Francis ay kasalukuyang naka-isolate at nakararanas ng mild symptoms, ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni.
Nagpositibo rin si Venezuelan archbishop, Edgar Pena Parra, ang Vatican's deputy secretary of state, pero ito ay asymptomatic, ayon kay Bruni.
Sina Parolin at Parra ay parehong bakunado.
Madalas umanong nakakasama ng Santo Papa si Cardinal Parolin na siyang itinuturing na kanang kamay ni Pope Francis.
Nauna nang ni-require ng Vatican ang mga empleyado nito na magpabakuna kontra-COVID-19.
Comments