top of page
Search
BULGAR

Kampo ni Marcos, itinangging sasali sa Comelec debate

ni Lolet Abania | February 24, 2022



Naglabas ng pahayag ang kampo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos, Jr. at itinangging sumang-ayon na itong sumali sa March 19 debate na sponsored ng Commission on Elections (Comelec), ilang oras matapos na ianunsyo ng poll body ngayong Huwebes na lahat ng prexy bets ay kumpirmadong dadalo rito.


Sa isang statement, idineny ng spokesman ni Marcos na si Vic Rodriguez ang pahayag ni Comelec spokesman James Jimenez sa mga reporters na lahat ng 10 presidential candidates ay dadalo sa debate.


“Marcos has not yet confirmed his participation in the Comelec-sponsored debate, which was scheduled from 7 p.m. to 9:30 p.m. on March 19, 2022,” giit ni Rodriguez.


Ayon kay Rodriguez, ang partisipasyon ni Marcos sa debate aniya, “only be confirmed if his hectic campaign schedules permit.”


Si Marcos, kung saan frontrunner sa mga surveys sa ngayon, ay paulit-ulit nang tinanggihan na makiisa sa mga debate.


Subalit, sa Twitter, inilabas naman ni Jimenez ang isang liham mula sa kampo ni Marcos na may petsang Pebrero 11, kung saan nakasaad dito, “Marcos’ readiness to join” sa debate.


Ang liham ay isinulat ni national campaign manager ni Marcos at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chief Benhur Abalos.


“If more confirmation is needed, the COMELEC awaits the same with bated breath. Nevertheless, preparations for the #PiliPinasDebates2022 push thru,” sabi ni Jimenez.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page