ni Jasmin Joy Evangelista | March 9, 2022
Itinanggi ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos na may kinalaman sila sa umano’y distribusyon ng stubs kapalit ng pagkain malapit sa venue ng kanilang campaign rally sa Guiguinto, Bulacan.
Ayon sa report ni Sandra Aguinaldo sa “24 Oras”, nakuhanan ng video ng isang reporter mula sa isang foreign news agency ang pagkakagulo ng mga tao malapit sa gate ng Guiguinto oval.
Sa kanyang mga tweet, sinabi ni Camille Elamia na ipinapalit ng mga tao ang kanilang stubs para sa pagkain. Ibinahagi rin niya ang larawan ng stub na may picture nina Marcos at running mate nito na si Sara Duterte.
"None at all. We have no idea," ani spokesman ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez nang tanungin kung mayroong alam sa naturang distribusyon ng food stubs.
Sa ngayon ay wala pang komento sina Marcos at Duterte hinggil dito.
コメント