top of page
Search
BULGAR

Kampo, dumepensa, sablay naman… ALEX, LALO LANG NADIIN NA BASTOS TALAGA

ni Ambet Nabus @Let's See | January 19, 2023




Sorry, ha, Ateng Janiz at mga Ka-BULGAR, pero isa kami sa napakaraming tao na hindi bibilhin o sasakyan ang "clarification and explanation" na ipinahayag ng umano'y publicist ng Gonzaga family hinggil sa bagong kontrobersiya kay Alex Gonzaga-Morada kung saan bigla nga nitong pinahiran ng icing ng cake nang walang kaabug-abog ang isang waiter sa kanyang birthday celebration kamakailan.


Coming from the family of politicians, mas bongga sana kung mismong sina Daddy Bonoy o Mommy Pinty o ang asawa ni Alex na si Mikee Morada o kahit ang Ate Toni niyang "most powerful celebrity" o 'di kaya ay ang bayaw niyang si Direk Paul Soriano ang nag-compose ng mas "disente at mature" na paliwanag, kung naduduwag talagang humingi man lang ng apology si Alex.


Magda-damage control na nga lang, punumpuno pa ng kaeklayan, kaya't imbes na makakuha ng simpatya ay lalo lang nilang pinatibay ang pagkakakilala ng madla kay Alex bilang bastos at mukhang walang pinag-aralan sa inasal niya.


Tama lang ang reaksiyon ng sambayanan na ipakita at iparamdam sa naturang pamilya na hindi nila kayang utuin at paglaruan ang dangal ng isang tao.


Kaya ru'n sa mga nasasakupang tao at lugar diyan ng mga pamilyang ipinangangalandakan ang kanilang public service, tandaan po sana natin ang ganitong pangyayari.


Kayo rin, hahahaha!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page