ni Ali San Miguel @Overseas News | July 29, 2024
Inihayag ng kampanya ni U.S. Vice President Kamala Harris nitong Linggo na nakalikom sila ng $200 milyon at nakapagtala ng 170,000 bagong boluntaryo sa loob ng isang linggo mula nang siya’y naging kandidato ng Partido Demokratiko para sa pagkapangulo.
Umatras sa kanyang reelection bid si President Joe Biden noong nakaraang Linggo at sinuportahan si Harris para sa halalan sa Nobyembre 5 laban kay Republican ex-President Donald Trump.
"In the week since we got started, @KamalaHarris has raised $200 million dollars. 66% of that is from new donors. We've signed up 170,000 new volunteers," saad sa X (dating Twitter) ng deputy campaign manager ni Harris, na si Rob Flaherty, sa X.
Nagpapakita ang mga poll noong nakaraang linggo, kabilang ang isang isinagawa ng Reuters/Ipsos, na magkalapit ang mga numero nina Harris at Trump, na naglalagay sa kanila sa isang mahigpit na laban sa nalalabing 100 araw bago ang eleksyon.
Comments