ni Lolet Abania | May 8, 2022
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na isagawa ang tatlong araw na taimtim na panalangin o “intense prayer” para sa gaganaping 2022 elections sa Lunes, Mayo 9.
Inaasahan ang bawat Katoliko, simula ngayong Linggo, Mayo 8 hanggang sa Martes, Mayo 10, na magbibigay ng oras para manalangin at upang magkaroon ng malinaw na kaisipan sa mga kandidatong karapat-dapat na kanilang iboboto.
Ayon kay CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ang pananalangin o pagdarasal ang isa sa pinakamainam na paraan para makatulong sa mga Pilipino sa pagpili ng kanilang bagong iluluklok na mga lider ng bansa.
“We can only fight this battle in the best way we can – through prayer and well-discerned action,” saad ni Bishop David.
Hinikayat din ng CBCP, ang mga obispo at arsobispo na kanilang patunugin ang mga kampana ng mga simbahan nang umaga, sa pagsisimula pa lang ng eleksyon sa Mayo 9, na tatagal ng 10 minuto.
Ani Bishop David, simbolo umano ito para mataboy ang mga posibleng ilegal na gagawin ng mga kandidato tulad ng vote-buying, pananakot at iba pang uri ng karahasan sa panahon ng eleksyon.
Comentários