ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 29, 2020
Ang kamoteng kahoy o cassava.
Bukod sa rice, bigas o kanin, ang kamoteng kahoy ay isa rin sa staple food ng mga Pinoy. Ang totoo nga, sa mga probinsiyang hindi nakakapagtanim ng palay o walang gaanong bukirin dahil mabundok, kamoteng kahoy ang laman ng kanilang hapag-kainan.
Gayundin, ang Pilipinas ay masasabing bansa ng mga mountain o bundok. Kahit pa sinasabing ang ‘Pinas ay land of many islands, ang mga islang ito ay mga bulubundukin, na ang pagtatanim ng palay ay almost impossible.
Dahil dito, mas kilala ang kamoteng kahoy kaysa sa bigas kung ang pag-uusapan ay araw-araw na nakikita ang bigas at kamoteng kahoy. Mahirap paniwalaan, pero isang katotohanan na may ilang Pinoy na nakatira sa mga bundok ang hindi pa nakakakita ng palay dahil walang taniman ng palay doon.
Ang nakakatuwa sa cassava ay ang sinasabing kaya maraming kabataan ang mga taga-probinsiya ay dahil sa pagkain ng cassava. Dahil may ilang pag-aaral na nagsasabing ang pagkain ng cassava ay nagpapalakas ng fertility ng kababaihan.
Kaya may paniniwala na kapag hindi magkaanak, dapat kumain ng kamoteng kahoy.
Hindi pa man gaanong konklusibo na ang kamotang kahoy ay nagpapalakas ng fertility, may ilang ebidensiya na ito ay nagpo-promote ng ovulation. Ibig sabihin, nakakatulong ang kamoteng kahoy na mahinog at lumakas ang egg cells ng babae.
Hindi naman masama kung ang mga hindi magkaanak ay kakain ng kamoteng kahoy dahil ine-engganyo ng mga dalubhasa sa nutrition field ang pagkain ng kamoteng kahoy, lalo na sa mga lugar na walang palay at sa mga bayan na napakataas ng halaga ng bigas.
Taglay ng cassava ang dalawang sikat na sikat sa mga OB-Gyne na madalas na inirereseta sa kakabaihan na kung tawagin ay phytoestrogens at folic acid. Ang dalawang ito ay nag-e-enhance ng fertility o pinalalakas ang kakayahang mabuntis ng isang babae.
Sa probinsiya, kapag nagkaanak ng kambal ang babae, ang unang papasok sa isip ay ito ay dahil sa pagkain ng kamoteng kahoy. Kaya hindi man ito ginagarantiyahan ng agham ng medisina, ang cassava ay may epekto na maging kambal ang anak.
Narito pa ang ilang sustansiya na makukuha sa cassava mula sa isang tasa ng serving:
Energy - 160 kcal
Carbohydrates - 38.1 g
Sugar - 1.7 g
Dietary fiber - 1.8 g
Fat - 0.3 g
Protein - 1.4 g
Taglay din ng cassava ang mga vitamins at minerals na:
Thiamine (B1)
Riboflavin (B2)
Niacin (B3)
Vitamin (B6)
Folate (B9)
Vitamin C
Calcium
Iron
Magnesium
Phosphorus
Potassium
Sodium
Zinc
Sinasabing nakakalason ang pagkain ng cassava dahil may mga naiulat na kumain ng kamoteng kahoy at nalason.
Ito ay tunay na nangyayari kapag ang cassava ay hindi lutung-luto kaya lutuin munang mabuti ang cassava bago kainin.
Ang dahilan ng pagkalason ay ang presensiya ng cyanide sa cassava kaya muli, hugasan itong mabuti bago lutuin.
Ang mapait na cassava ay hindi rin inirerekomendang kainin. Ganundin ang kamoteng kahoy na sobrang tigas na at kapag may ibang kulay na tulad ng green, black at iba pang kulay na hindi white o yellow.
Good luck!
Comentários