top of page
Search
BULGAR

Kamatis triple na ang presyo, P120/kilo

ni Eli San Miguel @News | Oct. 19, 2024



Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na karaniwang tumataas ang presyo pagkatapos ng malakas na ulan. / FP


Tumaas na sa P120 kada kilo ang presyo ng kamatis sa Pamilihang Bayan ng Mangaldan sa Pangasinan, mula sa P30 kada kilo noong nakaraang linggo.


Karamihan ng kamatis na ibinebenta sa Bagsakan Market ng Lungsod ng Urdaneta ay galing na sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya, dahil matinding nasira ng ulan ang mga pananim sa Rehiyon ng Ilocos.


Ipinaliwanag ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na karaniwang tumataas ang presyo pagkatapos ng malakas na ulan.


“Talagang ganun, kapag tag-ulan ‘yung produkto medyo may problema, pero kapag nag-normalize na ‘yung panahon natin, bumabalik na rin ang sigla ng taniman natin,” he said. Inaasahang babalik sa normal ang presyo ng mga kamatis sa paparating na mga linggo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page