ni Zel Fernandez | May 3, 2022
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Kamara para sa gaganaping “canvassing” o pagbibilang ng mga boto para sa mahahalal na presidente at bise presidente sa papalapit nang 2022 national elections sa Mayo 9.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, nakikipag-uganayan na umano sa Senado ang kanilang panig, maging sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) para sa mas maayos na bilangan ng mga boto ngayong halalan.
Aniya, inihahanda na rin ang magiging “set-up” para sa media at iba pang mga pangangailangan, kaakibat ng malaking pagbabago sa sitwasyon dulot ng COVID-19 pandemic.
Samantala, ang Kamara at Senado ay ioorganisa umano bilang National Board of Canvassers o NBOC-Congress para sa pagbibilang ng mga boto ng presidential at vice presidential candidates.
Gayundin, inihahanda na umano ang maaatasan sa pagpoproklama ng mga mahahalal na opisyal at lider ng bansa sa plenaryo.
Komentar