ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 2, 2020
Ang kamantigue.
Tinatawag din itong balsam, pero mas kilala sa panahon ni Dr. Jose Rizal na “Touch Me Not.”
Marami ang nag-aaral na ang Noli Me Tangere ni Rizal na sa mismong Touch Me Not sa wikang Ingles ay tungkol kay Jesus na nagsabing huwag siyang hawakan dahil hindi pa siya nakakabalik sa kanyang Amang Diyos.
Pero kung ang tatanungin natin ay ang bestfriend ni Rizal na si Dr. D. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay ginamit na salita ni Rizal para sa Cancer ng Lipunan. Kaya lang naman iniligaw ng marami na ito ay tungkol sa salita ni Jesus ay para maiwasan ni Rizal ang maagang pagkakakulong at kamatayan.
Cancer sa lipunan, ayon kay Dr. Blumenttrit ang ibig sabihin ng Noli at si Rizal na isang dalubhasang doktor at espesyalista sa mga sakit sa mata ay sinabing ang Noli rin ay iniuugnay ni Dr. Blumentritt sa kamantigue na ayon kay Rizal, sa kanilang pag-uusap ay isang malaking potensiyal na gamot laban sa eyelids cancer.
Mahirap nang baguhin ang kasaysayan. Gayunman, dahil inakala na rin naman sa kasaysayan ni Rizal at kanyang bestfriend na si Dr. Blumentritt ang nasabing lihim na katotohanan ay ipauubaya na lang natin sa susunod na mga henerasyon—kung ano nga ba ang kaugnayan ni Rizal sa kamantigue, cancer sa eyelids at mismong ibinununyag na katotoohanan ni Dr. Blumentritt.
Hindi sinasabing gamot sa cancer ang kamantigue dahil marami pang karamdaman ang kaya nitong lunasan tulad ng mga sumusunod:
Ang dinurog na mga dahon o dinikdik na dahon ay gamot sa nana sa gilid ng daliri.
Ang buto o seeds ay inilalaga para hindi gaanong mahirapan sa panganganak ang isang babae.
Ibinebenda rin ang mismong dahon sa may sugat sa daliri o sugat sa anumang bahagi ng katawan para mapabilis ang paggaling ng sugat.
Ang pinakuluang buto ay mabisang expectorant o pampalabas ng plema sa mga may lung cancer.
Ang katas ng mismong halaman ay pangtanggal ng kulugo.
Tubig mula sa pinakulaang buong kamantigue plant ay panlunas sa pamamaga, masakit na joints, dysmenorrhea at snake bites.
Gamot din ito para sa mga nalason ng poison ivy.
Gamot sa lahat ng sakit sa balat ang tubig mula sa pinakuluang kamantigue.
Panlaban sa pagka-kalbo. Muling tumutubo ang mga buhok kapag ipinahig sa ulo ang katas ng kamantigue.
DAGDAG KAALAMAN: Touch Me Not din ang pangalan ng kamantigue dahil kapag nahawakan ang hinog na bunga, nagkakaroon ng munting pagsabog kung saan ang mga buto ay magtatalsikan sa paligid.
Good luck!
Comments