top of page
Search
BULGAR

Kalsada sa San Fernando Bukidnon, gumuho

ni Lolet Abania | January 14, 2023




Hindi na madaanan ng mga motorista ang isang bahagi ng kalsada sa Barangay Kalagangan sa San Fernando, Bukidnon matapos na ito ay gumuho ngayong Sabado.


Batay sa report ng GMA News, isang portion ng Kapalong-Talaingod-Valencia Road sa Sitio Balacayo ay bumigay na at hindi na madaanan para sa mga patungong Davao del Norte.


Pinapayuhan naman ang mga motorista na papuntang Davao del Norte na dumaan na muna sa Bukidnon-Davao Road.


Ayon sa mga awtoridad, posibleng ang malalakas na pag-ulan ang naging sanhi ng pagguho ng bahagi ng kalsada.


Gayunman, nagpadala na ng mga kinakailangang equipment ang 1st District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bukidnon habang nagsasagawa na rin ng temporary repair sa naturang lugar.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page