top of page
Search
BULGAR

'Kalinisan' cleanup drive, inilunsad ng gobyerno

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 6, 2024




Naglunsad ang pamahalaan ng isang pambansang kampanya sa paglilinis ngayong Sabado na tinatawag na "Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan" o Kalinisan program, na nakatutok sa pagpapabuti ng "bayanihan spirit" ng mga Pilipino sa pagkontrol ng solid waste.


Pinangunahan nina Interior Secretary Benhur Abalos at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes ang kampanyang paglilinis sa Baseco Compound, Manila.


Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), layunin ng programang ito ang pag-isahin ang mga programa ng ahensya sa pamamagitan ng pagkontrol ng solid waste, community gardening, at kampanya sa paglilinis.


Magkakaroon ng parangal para sa mga barangay, bayan, at probinsya na may pinakamalinis na paligid batay sa isang kriterya na ilalabas ng DILG.


Daan-daan naman ang mga boluntaryo mula sa Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at mga barangay ng Baseco Compound ang dumalo sa kaganapan.

0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page