top of page
Search
  • BULGAR

Kalikasan, panatilihin ang kagandahan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 27, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Tuwing ika-25 ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Arbor Day sa ating bansa.

Ang Philippine Arbor Day ay isang pambansang selebrasyon sa Pilipinas na nakatuon sa pagtatanim at pangangalaga ng mga puno.


Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng reforestation, pangangalaga sa kagubatan at sa kapaligiran.


☻☻☻


Ang Arbor Day sa Pilipinas ay unang isinagawa noong 1947 sa bisa ng Proclamation Nos. 30 at 41 s. 1955.


Noong taong 2003, nirebisa muli at idineklara na tuwing ika-25 ng Hunyo ang taunang selebrasyon ng Arbor Day alinsunod sa Presidential Proclamation Nos. 396 at 643 at Republic Act 10176.


Layunin ng batas na bigyang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan upang gumawa ng mga programa para i-promote ang taunang pagtatanim ng puno.


☻☻☻


Napakaganda ng mga programang ito ng pamahalaan at dapat lamang na bigyan ng ating buong suporta.


Ang kalikasan ay ating yaman. Kaya naman hinihimok natin ang lahat na tumulong at makiisa sa mga programang pangkalikasan.


Patuloy nating pahalagahan ang kapaligiran at pangalagaan ang ating kalikasan.


Kailangan nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang mapanatili ang kagandahang taglay ng kalikasan para na rin sa kinabukasan at sa mga susunod na henerasyon.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!


☻☻☻ 


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page