ni Nitz Miralles @Bida | February 14, 2023
Gumagawa ng ingay ang billboard na may nakasulat na “Nasan Si Vi?” na ang ibang billboard, nakataas pa sa mga waiting sheds, kaya nababasa ng commuters na nag-aabang ng sasakyan.
Tama ang hula na ang ‘Vi’ na tinukoy ay si Vilma Santos, pero kung para saan ang billboard, ‘yun ang hindi natin alam.
Ang hula ng iba, promo raw ‘yun sa anniversary special niya sa ABS-CBN airing on February 18, to celebrate her 60th year in showbiz. May nag-iisip naman na baka early promo ito para sa pagbabalik-pelikula ni Vilma.
May mga iba pang hula kung para saan ang “Nasan Si Vi” billboards at malapit na nating malaman ang tungkol dito. Maghintay lang tayo ng ilang araw.
Speaking of Vilma, isa siya sa mga nagpahayag ng lungkot sa pagpanaw ni Lualhati Bautista, ang sumulat ng istorya ng Bata, Bata, Paano Ka Ginawa at Dekada '70 na parehong pinagbidahan ni Vi.
Nag-post siya sa IG story ng photo ni Lualhati at may caption na “Paalam at Maraming Salamat, BB. Lualhati Bautista. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Ipagpapatuloy ko ang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan.”
Nakasulat din ang mga pangalang “Lea Bustamante” at “Amanda Bartolome” na karakter na ginampanan ni Vilma sa mga pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa at Dekada '70.
Comments