ni Ambet Nabus @Let's See | January 12, 2024
Photo : Daniel Padilla / IG
Unti-unti nang lumalabas ang mga kuwento ng pagiging "maangas, mayabang at plastik" umano ni Daniel Padilla.
Simula nang ma-bash ang aktor sa hindi nito pagsunod sa dress code sa kasal ni Robi Domingo at natawag nga itong 'bastos at walang respeto,' ngayon nama'y may tsikang noon pa pala maangas at mayabang ang aktor.
Ayon sa nabalitaan namin, may mga pangyayari pala noon na kapag may humihingi ng birthday greetings sa kanila ni Kathryn Bernardo, madalas umanong nagsisimangot at nagrereklamo si Daniel.
"Sinasalo lang siya ni Kath at hinihiling dito na maging malumanay at maingat," sey ng aming source.
May mga kuwento pang kapag nagsimula nang magpakita ng tantrums ang aktor kapag napapagod o gustong masolo si Kath, halos kung anu-anong facial reactions daw ang ginagawa nito kahit nasa work pa sila.
Nakakagulat ang mga ganitong rebelasyon sa panahong naghiwalay na sila ni Kathryn. Sa ilang taon din naman naming personal na nakakausap, nakakasama at nabibisita sa mga shooting nila si Daniel, hindi namin naranasan ang alinman sa mga tsikang nabanggit.
Unless…???
Comments