ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 9, 2024

Ang dami nang mas bata at baguhang aktor ngayon at nauso na nga rin ang mga K-Pop idols na tinitilian ng mga kabataan, pero in fairness, malakas pa rin talaga ang appeal ng bida ng Pamilya Sagrado na si Piolo Pascual a.k.a. Papa P dahil siya pa rin ang paboritong aktor ng karamihan sa mga kababaihan.
Last August 5 kasi, nang dumayo kami sa Botolan, Zambales kung saan ginanap ang birthday party ng magandang CEO ng SCD o Skin Care Depot na si Ms. Gracee Angeles, tinanong namin siya kung sino ang dream niyang maging male endorser ng kanyang skin care products.
Mas una na kasing ini-launch at ipinakilala sa media a few months ago bilang endorser ng SCD ang magaling na aktres na si Lovi Poe.
At dahil may bagong SCD serum na ini-launch si Ms. Gracee kasabay ng kanyang birthday, na-curious kami kung sino ang gusto niyang kuning male endorser naman nang sa gayon ay may mag-represent din ng kanyang brand mula sa male sector.
Pag-amin ni Ma'm Gracee, "Si Piolo Pascual. Matagal ko na siyang gustong makita."
Oh, well, abangan na lang natin kung next time ay makukuha nga niya si Papa P. bilang additional endorser ng SCD aside kina Lovi Poe at Boss Toyo.
Anyway, hindi man nakarating si Lovi sa birthday party ni Ms. Gracee dahil nasa USA ngayon ang aktres, naki-join naman at nag-mini-concert pa ang The Voice Season 2 4th placer na si Sassa Dagdag na taga-Angeles, Pampanga at endorser din ng SCD.
Dumating din ang Kapamilya actor na si Joseph Marco, na ayon kay Ms. Gracee, naguwapuhan siya sa aktor kaya kinuha niyang performer para mapasaya rin ang mga guests niya sa party.

Nu'ng pauwi na kami ng Manila mula sa mahabang biyahe pa-Zambales, naging topic ng kuwentuhan namin ng mga kasamahang press people ang diumano'y pagkakaroon na ng hindi lang dalawa kundi tatlong anak nina Coco Martin at Julia Montes.
May isang kasamahan naming reporter ang nagkuwento na narinig daw niya ang chika sa isang friend na nakarinig naman sa kuwentuhan ng dalawang senior citizens na diumano'y kaibigan ng lola ni Julia.
Pero dahil nagpasa-pasa na ang kuwento, mahirap namang paniwalaan lalo't kung 'yung sinasabi ngang dalawang anak pa lang nina Coco at Julia ay never naman nilang inilantad sa publiko, eto pa kayang pangatlo ang aasahan nating aaminin nila.
Hangga't hindi sa mismong bibig nina Coco at Julia nanggagaling ang kumpirmasyon, mananatiling chismis sa showbiz ang pagkakaroon diumano nila ng mga anak, kahit pa minsan ay nadulas na rin naman si Kuya Willie Revillame tungkol dito sa kanyang Wil to Win.
Awww! JAMES, MAS GUSTONG SOLO NA LANG KESA MAKASAMA SI NADINE

First time naman naming nakapanood ng Cinemalaya entry nu'ng Tuesday night at ito 'yung Kono Basho na pinagbibidahan ng aktres na si Gabby Padilla at ng Japanese actress na si Arisa Nakano.
Ngayon lang din namin napanood si Gabby sa pelikula at nagalingan naman kami sa kanya, pati kay Arisa na bukod sa ang ganda ng registration sa screen ay magaling ding umarte at posible pa ngang mag-uwi ng Best Actress award.
Kuwento ng half-sisters ang Kono Basho na dahil magkapatid lang sa amang Hapon, malayo ang loob ng mas matandang si Ella (Gabby) kay Reina (Arisa).

Heartwarming ang pelikula at may magandang lesson na hatid. And surprisingly, kahit hindi ito mainstream movie ay maraming nanood sa screening ng Kono Basho.
Kaya tuwang-tuwa naman ang producer ng Mentorque Productions na si Sir Bryan Dy sa pakikipag-collab niya sa Project 8 Productions nina Antoinette Jadaone at Dan Villegas (scriptwriter at hindi director ng movie) dahil kahit first time raw niyang sumugal sa Cinemalaya entry, maganda ang feedback ng mga viewers at maipagmamalaki rin niya ang movie tulad ng Mallari na humakot ng mga awards sa iba't ibang award-giving bodies.
Samantala, nainterbyu rin namin si Direk Antoinette after ng screening ng Kono Basho at natanong naman namin kung gusto pa ba niyang makagawa ng movie ang JaDine love team dahil sa kanyang serye at pelikula sumikat ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre.
Sagot ni Direk Tonette, open naman daw siya pero na kina James at Nadine pa rin 'yan kung gusto rin nilang magsama uli.
Well, ang alam namin, si Alden Richards ang next leading man ni Nadine sa movie kaya malabo pang magsama uli sila ni James at mukhang mas gusto na rin naman ni James na mag-solo sa kanyang career kesa magbalik-tambalan sila ni Nadine.
Anyway, showing pa rin ang Cinemalaya entry na Kono Basho sa lahat ng Ayala Malls theaters tulad ng UP Town Center, Trinoma at Greenbelt hanggang August 11, kaya sa mga gusto pang makapanood, puwedeng-puwede pa kayong humabol.
Comments