top of page
Search
BULGAR

Kalamansi, mabisang pampababa ng blood pressure at pantanggal ng toxins sa katawan

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 5, 2020




Ang kalamansi.


Sinasabing Pilipinas ang may pinakamahabang lockdown dahil sa COVID-19. Ito ay nagsasabi rin na napakahaba ng pananatili ng tao sa kanilang bahay, kaya hindi nakapagtataka kung maitatala rin sa buong mundo na maraming nagsitaba sa Pilipinas sa panahon ng lockdown.


May solusyon ba para mabilis na pumayat? Siyempre, mayroon at ito ay ang pag-inom ng kalamansi juice. Ang totoo nga, may COVID-19 man o wala, kinikilala ng marami na ang kalamansi juice ay nakapagpapapayat.


Mayroon pa rin namang ibang prutas na nakapagpapapayat, pero hindi ito laging mabibili sa merkado, ‘di tulad ng kalamansi na araw-araw ay nakikita at nabibili.


Ang ibang prutas na pampapayat ay mahal o mataas ang halaga, kaya marinig mo lang ang presyo, talagang papayat ka na. Bakit? Dahil ang isa rin sa mabilis na pampapayat ay ang mainis dahil sa mahal na presyo ng isang produkto.


Pero ang kalamansi ay mas mura kumpara sa iba pang prutas na nakapagpapapayat, kaya bakit mo pa pipiliin ang mahal at hindi madalas na mabili?


Hindi naman sa pagpapapayat natutulungan ng kalamansi ang tao dahil ito rin ay mabisang halamang gamot.

  • High blood ka ba? Kumain ka ng kalamansi sa umaga, tanghali at gabi. Sure na mawawala ang pagiging high blood mo.

  • Sa pag-inom ng katas ng kalamansi, malilinis ang iyong buong katawan. Matatanggal ang mga lason, toxins, naipong masasamang kemikal at mapaminsalang mikrobyong nananahan sa iyong katawan.

  • Kaya rin ng kalamansi na pababain ang cholesterol level sa katawan, kaya ito rin ay good for the heart.

  • Sa pag-inom ng kalamansi juice, ang kidney ay nalilinis. Ang totoo nga, kapag may hindi magandang amoy ang ihi, mawawala ito dahil sa kalamansi.

  • Napatataas din nito ang production ng collagen sa katawan, kaya ang kalamansi ay nakapagpapabata dahil napipigilan nito ang mabilis na pagtanda ng tao.

  • Nakapagpapaganda pa ito ng balat o kutis kung saan ang mga dumi sa balat ay nawawala sa pagpahid ng kalamansi.

  • Ang isa pa sa magaling na kakayahan ng kalamansi ay ang kaya nitong linisin maruruming mga kuko. Kahit nag-iba na ang kulay ng kuko dahil sa tagal ng dumi, nagagawa pa rin ng kalamansi na ibalik ang magandang kulay ng mga ito.


Narito naman ang vitamins, mineral at beneficial chemicals ng kalamansi:

  • Protein

  • Calcium

  • Riboflavin

  • Niacin

  • Iron

  • Phosphorus

  • Potassium

  • Vitamins A & C

  • Thiamine

Dagdag-kaalaman: Ang kalamansi ay epektibong bleaching agent. Ibig sabihin, hindi mo na kailangan ang mamahaling pampaputi ng damit at hindi mo rin kailangan ang bleaching chemical agents na nakasisira ng balat at mga kamay. Sa halip na gumamit ng mga ito, mas oks gamitin ang all-natural na kalamansi.

Good luck!

0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page