top of page
Search
BULGAR

Kalagayan ng mga barangay health worker, bigyang-pansin

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Sep. 29, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong nakaraang linggo ay tinalakay sa plenaryo ang Senate Bill No. 2838 na mas kilala bilang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHW).


Hindi lingid sa ating kaalaman ang serbisyong ibinibigay ng mga BHWs.

Napatunayan natin kung gaano sila kalaking tulong noong panahon ng pandemya at sila ang unang pinupuntahan ng ating mga kababayan kung may emergency sa mga malalayong lugar.


☻☻☻


Sa ilalim ng panukala na ito, binibigyang depinisyon kung ano ang mga dapat gampanan ng isang BHW.


Tinutukoy sa batas ang parameter ng kanilang papel sa pagbibigay ng primary health care sa kanilang mga komunidad.


Napakahalaga nito dahil ito ang magiging basehan para maprotektahan ang mga BHW sa pagganap ng mga trabahong lagpas na sa kanilang tungkulin.


Magkakaroon din ng orientation at training mula sa DOH para matiyak na kuwalipikado at physically at mentally fit ang bawat BHW.


☻☻☻


Lagi nating sinasabi na kinikilala natin ang kontribusyon ng mga BHWs ngunit hindi ito sapat.


Mas maganda kung patuloy nating papangalagaan at poproteksyunan ang kanilang kapakanan.


Kaya naman buo ang suporta natin sa layon ng naturang panukala na protektahan at itaguyod ang kapakanan ng mga BHW sa buong Pilipinas.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page