top of page
Search
BULGAR

Kalabang show ng Eat…Bulaga! ‘MAINE’, UM-APPEAR SA IT'S SHOWTIME

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 7, 2024



Showbiz News

Bumisita ang kalokalike ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa It’s Showtime (IS) nitong Sabado.


Kung matatandaan, sa lakas ng tambalang AlDub noon nina Maine at Alden Richards sa kalyeserye ng Eat…Bulaga! ay muntik nang magsara ang IS.


Cool lang ang mga hosts nang lumabas sa stage si Yaya Dub at sabay-sabay silang nag-“Hi!” sa kalokalike ng Eat… Bulaga! (EB) host at maging kay Bossing Vic (Sotto). 


Ayon kay Vhong, “Alam mo, muntik na kaming matsugi noon dahil sa inyo ni Alden.” 

Tinanong din siya kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon. 

Ani ‘Yaya Dub’, “Eto po, paraket-raket.”


“Mabuti pinayagan ka ng sa kabila,” ani Jhong Hilario. 


Sagot niya, “Dapat po, pupuntahan ko ang asawa ko, si Arjo Atayde, eh, dito po ako napunta.” 


Kilala si Maine bilang ‘Dubsmash Queen’, kaya hiningan siya ng sample ng mga hosts. 

Sey ni Yaya Dub, “Wala po kaming anak ni Alden, sadyang busog lang po ako. Ang asawa ko po ay si Arjo Atayde.” 


Tuwang-tuwa naman ang mga studio audience sa game na pakikipagbardagulan ni ‘Yaya Dub’.


 

SA Facebook (FB) account ni Barbie Imperial, may post siya about negativity for content. 

Aniya, “Ang daming pages ngayon na puro negativity ang ipino-post. Worse, puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira. Nage-gets ko naman na kailangang kumita ng pera pero sana, sa paraang hindi magsisinungaling. Ingat sa pag-comment and like, pinapayaman n’yo po ‘yang mga may-ari ng pages na 'yan (praying emoji). 


“Nakakalungkot kasi paninira na ang strategy ng marketing ngayon, at ang daming naniniwala without fact-checking (worried emoji).”


Pag-agree ng isang netizen, “Right. Kaya maraming tao ang kailangan na mag-social media detox, sobrang toxic na.”


Iba naman ang komento ng mga netizens patungkol kay Barbie.


“Mas nakakalungkot kasi may nang-aagaw na ng asawa at naninira na ng pamilya. Nage-gets ko naman na walang bawal sa pagmamahal, pero dapat wala kang nasisirang pamilya. Just saying.”


Nabuhay na naman ang mga bashers ng aktres.


“Hi, Barbie - Kailan ka mag-acting workshop? Kailangan mo ‘yun.”


“Marunong naman s’ya umarte, compared mo kay SL (Sarah Lahbati), milya ang galing n’ya.”

“Hala, ang insecure mo naman du’n kay Sarah at idinamay mo pa sa pagka-banong umarte ni Barbie. Maski pa anong bash mo ru’n, ASAWA ‘YUN AT PINAKASALAN. Ewan ko lang d’yan kay Barbie.”


“Puwede mo naman kasing sabihin ‘teh na ‘Oo, naging kami nu’ng wala na sila.’ Oh, eh, di ‘di ka na napagkakitaan ng mga trolls.”


“Oo nga naman, Barbie. Bakit nga ba ayaw mo pang aminin kung kayo na ni RG (Richard Gutierrez)?”


May picture kasing kuha sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa isang restaurant sa Italy. Pruweba raw iyon na may relasyon na ang dalawa dahil hindi naman kasama ang aktres sa pagsu-shoot ng aktor sa aksyon-serye nilang Incognito pero sumunod ito sa Italy.


 

Nahasa na raw nila ni Sec. Ralph…

VILMA: LUIS AT RYAN, MAY ‘K’ TUMAKBONG VG AT CONG.


Luis, Vilma at Ryan Recto - Ralph Recto

Balik-pulitika ang Star for All Seasons na si Vilma Santos. Hindi lang siya, kundi kasama na rin ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto. Nag-decide na rin kasing pasukin ng magkapatid ang pulitika tulad ng kanilang mga magulang. 


Samantala, marami ang bumabatikos sa magkapatid, pero nandiyan si Ate Vi na dumedepensa sa kanila. 


Base sa interbyu, sinabi ng Star for All Seasons na ang kanilang pamilya ay hindi lang basta pumasok sa pulitika at okey na. 


“At saka kami, nag-o-offer ng serbisyo — ang tao naman ang boboto kung pinagkakatiwalaan kami o hindi. Ang importante, noong mahilingan akong tumakbo uli at gusto nila uling maging governor ako, inisip ko rin kung saan ako lalagay,” wika ni Ate Vi.


Sinabi rin niyang hindi tatakbo ang husband na si Ralph Recto dahil Secretary of Finance ito ngayon at hindi raw nito iiwan ang national government. 


Dating cong. si Ralph nang italaga siya ni PBBM bilang Kalihim ng Finance, kaya ang tawag ni Ate Vi sa asawa ay CongSec.


Dinepensahan naman niya ang dalawang anak sa desisyon ng mga ito na tumakbo ngayong eleksiyon. 


“So, ang akin lang, bakit ang dalawa kong anak? Kasi, na-expose na ‘yung dalawa kong anak sa tao. Noong secretary na si Ralph, ‘di s’ya nakaka-attend ng mga affair sa barangay, like educational distribution, financial assistance, mga TUPAD [Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced Workers],” esplika niya.


Dagdag pa niya, lagi raw nagpapadala si CongSec. ng kind of endeavor at dahil dito ay na-expose sila sa political scene and how public service works. 


Ready na umano ang kanyang mga anak dahil lumaki sila witnessing public service. 

Bilang running mate niya si Luis Manzano, kailangan daw niya ng tulong ng anak dahil ito raw ang makaka-assist sa kanya when it comes to technology that will be needed in serving the people of Batangas.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page