top of page
Search
BULGAR

Kakulangan sa sex, dahilan ng paglaki ng tiyan ng babae kahit hindi buntis!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 5, 2020




Dear Doc. Shane,


Ako ay 35 years old at may 2 anak, subalit ang problema ko ay ang paglaki ng aking tiyan kahit hindi ako buntis. Saan ba nakukuha o ano ba ang sanhi ng paglaki nito? Hindi naman ako ganu’n kalakas kumain. – Gina


Sagot


Narito ang ilan sa posibleng dahilan ng paglaki ng tiyan kahit hindi buntis ang babae:


  • Palaging stress. Kapag nakararanas ng sobrang stress, ang ating katawan ay naglalabas ng cortisol. Ang cortisol ang dahilan para maipon ang taba sa bandang tiyan.

  • Mahilig sa maalat na pagkain. Kapag sobra sa asin ang katawan, humihina ang kakayahan nitong tumunaw ng fats na kadalasan ay naiipon sa tiyan.

  • Kulang sa sex. Nagkakaroon ng hormonal imbalance ang tao kung kulang o wala siyang sexual activity. Belly fat ang resulta ng imbalance na ito.

  • Mabilis kumain. Mas mabilis, mas maraming calories ang nakukunsumo na nagpaparami ng fat cells.

  • Kulang sa protina ang kinakain. Nagiging magutumin kapag kulang sa protina kaya ang tendency ay kumain nang kumain.

  • Kulang sa tulog. Kapag kulang sa tulog, tumatakaw ang tao sa matatamis na mabilis magpataba.

  • Palaging nakaupo. Kahit healthy ang iyong kinakain, marami pa rin fat cells ang maiipon sa iyong tiyan kung palaging nakaupo.

  • Kakaunting uminom ng tubig. Ang resulta ay hindi regular na pagdumi.

0 comments

Komentáře


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page