ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2020
Pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang balitang wala na diumanong available na hospital beds para sa mga Covid-19 patients sa Metro Manila.
Aniya, “Ang critical care utilization po ng Metro Manila at ito po ay kasama na ‘yung hospital beds, ‘yung ICU [intensive care unit] beds, ‘yung mechanical ventilator at ‘yung mga isolation beds ay nasa 63 percent or ito po ay moderate risk pa lamang.
“Nililinaw po namin na ‘yung mga kumakalat na fake news na ubos na raw po ang mga hospital beds ng ating mga hospital, hindi po ‘yan totoo.”
Comments