top of page
Search

Kakampink na rin?! VILMA, SI ISKO ANG MANOK PERO NAKIPAGKITA KAY VP LENI

BULGAR

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 6, 2022



Marami ang nagulat kamakailan nang dalawin nina presidentiable VP Leni Robredo at vice-presidentiable Kiko Pangilinan sina Lipa, Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto at Sen. Ralph Recto.


Alam naman kasi ng lahat na Team Kakampink sina VP Leni at Sen. Kiko, samantalang una nang nagpahayag ang mag-asawang Ate Vi at Sen. Ralph na si Manila Mayor Isko Moreno ang kanilang manok sa pagka-pangulo.


Kaya ang tanong ng lahat ngayon, nag-switch na ba ng iboboto sina Ate Vi at Sen. Ralph?

Join na rin kaya sina Ate Vi at Sen. Ralph sa Team Kakampink kung saan isa sa mga diehard supporters ang ex ng Star for All Seasons at ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano?


Na-excite tuloy kami na makitang parehong nasa rally sina Edu at Rep. Vilma, nasa stage man or sa backstage.


Malay natin, baka i-surprise ni Rep. Vilma ang mga Kakampink sa meeting de avance nila sa Makati City on May 7.


Grabe ang suportang ibinibigay ni Edu sa simula pa lang ng campaign ni VP Leni at ng kanyang ka-team na si Sen. Kiko, pati na rin ang kanilang senatorial line-up.


Naniniwala kasi si Edu na taglay ni Vice-President Leni ang malinaw at konkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.


Ito ang tiniyak ni Edu sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema ng hustisya sa bansa at mangunguna sa laban ng gobyerno kontra kriminalidad at iligal na droga.


“Kaya kailangan natin ng matapang na presidente, 'yung malakas ang loob, 'yung kayang patibayin ang sistema ng hustisya at mas kayang palakasin pa ang mga pulis natin,” ani Edu.


Aniya, ipagpapatuloy ni VP Leni ang giyera kontra iligal na droga ngunit sa makatao at wastong pamamaraan.


“'Yung itutuloy ang laban sa illegal drugs, pero sa tama at makataong paraan. Walang inosenteng madadamay. ‘Yan ang mga siguradong plano ni VP Leni, para sa mas malakas na Philippine National Police,” dugtong pa niya.


Ipinunto ni Edu na suportado ng mga dati at retiradong opisyal ng PNP ang kandidatura ni Robredo dahil naniniwala sila na karapat-dapat siyang maging susunod na pangulo ng bansa.


“Kaya naman maraming dating opisyal ng PNP ang suportado si VP Leni, mga magigiting na pulis na naniniwalang si VP Leni ang karapat-dapat na lider ng bansa natin,” giit pa ni Edu.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page