top of page
Search
  • BULGAR

Kakampi raw niya ang universe… CHLOE SA MGA BASHERS: WALA AKONG PAKI SA GALIT N'YO!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 7, 2024



Showbiz News

May isa na naman tayong kababayan na nagpatunay sa kasabihang: “You can't have it all.”


Oh, ‘di ba, bukod sa nanalo ng two gold medals si Carlos Yulo sa Paris Olympics 2024, nagka-bonus pa siya ng mahigit sa P100 milyong incentives mula sa mga taong natuwa at naging proud sa kanyang tagumpay.


‘Yun nga lang, sa kabila ng tagumpay, kasikatan at kayamanang meron ngayon si Yulo, tiyak na ‘di pa rin lubos ang kaligayahan niya lalo't ‘di pa rin sila nagkakaayos ng kanyang pamilya.


Ang siste pa, kung nu'ng una ay kaiinggitan mo si Carlos dahil sa dami ng biyayang dumating sa kanyang buhay, ngayon ay kaaawaan mo na lang ito dahil naiipit sa parehong toxic na pamilya at girlfriend na si Chloe San Jose.


Yes, diretsahan na naming sinasabi na parehong toxic dahil bagama't mas may simpatya pa rin kami sa pamilya ni Carlos dahil lumaki tayo sa kulturang Pinoy na “family first”, base sa word ward ngayon sa social media ng magkabilang kampo (pamilya ni Carlos at Chloe), eh, talagang maaawa ka kay Yulo dahil ang sakit sa bangs ng mga taong mahalaga pa naman sa buhay niya.


Medyo tahimik na sana ang sitwasyon sa pagitan ng pamilya Yulo at nina Carlos at Chloe, kaso, nag-comment nga ang tatay ng gymnast na si Mr. Mark Andrew Yulo sa isang article online na dapat ay mag-sorry ang anak sa ina na tinawag na magnanakaw, nang sa gayon ay gumanda ang image nito.


‘Di naman nagpatalbog ang palabang GF ni Carlos at may-I-reveal din ito sa social media na matagal na silang nag-sorry sa pamilya ni Caloy pero isinumpa pa raw ni Mrs. Angelica Yulo ang anak na gagapang sa lupa.


At heto nga, muling sumiklab ang away ng dalawang kampo lalo't may mga “kapitbahay” on the side na nakisawsaw na rin sa issue.


Kaya triggered na naman ang “Most Hated Celeb” ngayong si Chloe at napa-post sa kanyang FB ng mga screenshots ng diumano'y mga mapanirang pahayag laban sa kanya hindi lang ng ina ni Carlos kundi pati ng mga kamag-anak ng BF.

Caption ni Chloe sa kanyang FB post (‘di pa pala ito long para sa kanya, hehe!), “no need na for a long caption—this is not even all of it lol but here we are for y'all's entertainment (popcorn emoji)


“if you're gonna get mad at me for standing up for myself, stay mad. if you're gonna get mad at me for breaking generational curse, stay mad. if you're gonna get mad at me because i reacted to their disrespect and told the truth, stay mad. if you're gonna get mad at me for standing up for my partner against their toxicity, then stay mad. 


“i'm not here to please anyone, i know what i did and didn't. feel free to keep believing whatever you see and read online, it doesn't matter—i know my truth and so does the people around me, most specially mahal Carlos. the universe has my back (3 sparkles emoji)


“hence, this would be my last time speaking about this. it's honestly getting boring and over dramatic at this point, as it's been a long gone issue. 


“again, stay mad and goodluck with your pr stunts/pakulo (clown emoji)


“much love (white heart emoji.”


Oh, ha?! Ang taray at palaban talaga ang ate n'yo, as if namang kilala siya ng “universe” para kampihan? Char!


Ay, naku! Bakit naman kasi nakikisawsaw pa tayo sa gulo ng pamilyang ito, ayan, todo-enjoy naman tuloy sila sa kani-kanilang pabida sa socmed, hahahahaha!!!


 

Ex at bago ni Richard…

SARAH AT BARBIE, MAGKASAMA SA B-DAY PARTY


Barbie Imperial at Sarah Lahbati - The Aivee Clinic

CURIOUS naman ang mga Marites sa online world kung nagkita, nagkatinginan o nagbatian nga ba ang estranged wife at bagong rumored girlfriend ni Richard Gutierrez sa katatapos lang na birthday party ni Dra. Aivee Teo ng Aivee Clinic.


May lumabas kasing balita na parehong present sina Sarah Lahbati at Barbie Imperial sa naturang party, pero dahil nga nandu’n din sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre na first time nagkasama sa picture with Dra. Aivee, eh, mukhang medyo nasapawan ang eksena nina Sarah at Barbie, kung meron man.


Hmmm… Mas bongga siguro sana ang ganap kung kasama si Richard that night. Pero as we write this, wala pa kaming nakukuhang info kung nagkaroon nga kaya ng “eksena” nu’ng gabing ‘yun sina Sarah at Barbie.


Abang-abang tayo if may nakakuha ng video nila sa party.


‘Yun na!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page