top of page
Search
BULGAR

Kaka-suweldo lang pero wa’ na pera?... dahilan kaya mabilis maubos ang suweldo, alamin!

ni Justine Daguno - @Life and Style | August 22, 2020




Ang bilis talaga lumipas ng oras... imagine, ‘yung suweldo mo ngayon, resibo na agad bukas?


Karamihan sa atin, kailangang magtiyaga muna ng nasa dalawang linggo bago pa matanggap ang pinakahihintay na suweldo. Sa kabila nito, hindi pa nag-iinit sa mga kamay mo ang pera ay halos maubos na ito.


Pero, bakit nga ba ang bilis maubos ng suweldo mo, eh, kakasahod mo pa lang? Well, narito ang ilan sa mga dahilan niyan:

1. HINDI NAGBA-BUDGET. Saan nga ba dapat mapunta ang pinaghirapan nating pera? Sabi nga nila, ang pagba-budget ng pera ang isa sa mga bagay na dapat nating matutunan nang sa gayun ay masulit natin ang bawat sentimo na ating pinaghirapan. Kung hindi o wala tayong ideya rito, malamang ay hindi talaga natin makokontrol ang paglabas sa ating kaperahan.

2. HINDI NAGPAPLANO. Ito ‘yung tipong, ‘pag tanggap o ‘pag-withdraw ng pera, diretso agad sa mall para i-enjoy ang suweldo—shopping galore, isa-satisfy ang cravings at kung anu-ano pa. Katwiran nga natin, karapatan natin ‘yun dahil pinagpaguran ‘yun. Well, true naman, ‘yun nga lang ay baka ang panandaliang ‘enjoyment’ ay magresulta ng mas mahaba-habang stress. Kaya next time, bago gumasta ay magplano muna.

3. HINDI NAG-IIPON. Sobrang bilis talaga maubos ng suweldo, lalo na kung hindi prayoridad ang pag-iipon, bagkus ay ang paggastos. Kapag wala tayong ipon, walang emergency fund at suweldo lamang ang inaasahan sa lahat—malabong tumagal ang pera sa atin. Nakakasira ng diskarte sa pera kapag walang ipon kaya kung sisimulan natin ito kahit paunti-unti lamang ay paniguradong sa huli, hindi madaling mauubos ang ating kita sapagkat may perang nakalaan sa bawat bagay-bagay.

4. WALANG ALAM. ‘Ika nga, maraming tao ang marunong kumita ng pera, pero hindi alam kung paano ito ima-manage. Sa totoo lang, isa sa mga dahilan kung bakit maraming naghihirap ay hindi dahil sa wala silang income o kulang ito kundi dahil kulang sila sa ‘financial education’, hindi nila alam o wala silang ideya sa tamang paghawak ng pera. Meron silang mindset na kapag may pera, dapat gumastos. Tandaan, hindi lamang basta ginagastos ang suweldo, maaari rin itong mapalago at ito ang dapat nating pag-aralan kung paano.

Ang pagiging ‘one day millionaire’ ay hindi magandang kaugalian nating mga Pinoy, walang problema sa YOLO, pero isipin nating hindi lahat ay natatapos lang sa “ngayon”. Meron pang bukas, susunod na araw, linggo, buwan, at mga taon. Muli, ang suweldo ay hindi madaling mauubos, kung marunong tayo ng tamang paggastos. Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page