ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 15, 2025

Umabot sa 2 milyon hanggang 8 milyong katao ang dumalo sa peace rally ng Iglesia Ni Cristo.
Isinagawa ito sa iba’t ibang panig ng bansa.
-----$$$--
Hindi mahalaga rito ang aktuwal na bilang, bagkus ay ang impact at impresyon ng pagdagsa ng tao.
Ikinukumpara ang bulto ng tao sa EDSA 1 at EDSA 2.
----$$$--
SINASABING “moral” at hindi “political” ang implikasyon ng peace rally.
Iyan ay nagmumula sa kampo ng anti-Duterte.
----$$$--
DAPAT nating matanggap ang katotohanan at huwag maging plastik.
Sinibak ni Strongman Russian President Vladimir Putin ang ilang heneral dahil sa pagsisipsip sa kanya at pagtatago ng katotohanan.
----$$$--
Iyan din ang dapat gawin ni PBBM, sibakin ang mga sipsip at nagsisinungaling o mga tagapayo na walang kakayahan “prangkahin” siya at ipaunawa sa kanya ang “mapait na katotohanan”.
Tanging ang “katotohanan ang magpapalaya sa iyo”.
Ibig sabihin, ang katotohanan lamang ang epektibong batayan ng epektibong desisyon.
-----$$$--
SA ayaw o sa gusto mo, ang peace rally ay pabor sa pamilya Duterte.
Aminin man o hindi ang peace rally ay political.
----$$$--
ANG impeachment proceedings ay “political” — hindi ito magpapatunay ng “guilty” ang inaakusahan.
Ang impeachment ay proseso upang mawala sa puwesto ang isang opisyal ng gobyerno —kahit hindi siya nahahatulang guilty ng alinmang hukuman.
----$$$--
ANG “People Power” sa EDSA 1 at EDSA 2 — ay kinilala ng Korte Suprema bilang isang lehitimong proseso sa pagpapalit ng liderato sa Malacañang.
Ang street protest kung ganu’n ay isa ring political.
---$$$--
DAPAT din nating maunawaan ang papel na ginampanan ng Armed Forces of the Philippines nang mawala sa Malacañang si dating Pangulong Marcos Sr. at ex-President Erap.
Solido ang suporta ng AFP sa street protest.
---$$$--
DAHIL solido o iisa lang ang desisyon ng buong AFP — hindi nagkaroon ng civil war na dati-rating pinangangambahan.
Dahil solido ang sibilyan at military — kinilala ng Korte Suprema ang people protest bilang lehitimong proseso — kahit “hindi nagdaan sa halalan”.
-----$$$--
ANG peace rally ay isang pagpapakita ng puwersa ng mga Duterte — ay puwedeng gamitin sa pagpapalit ng pamahalaan.
Pero, may kulang ang naturang proseso, iyan ay 50 percent lamang.
-----$$$--
SA ngayon, masasabi nating hawak ni PBBM ang AFP na siyang tinitiyak ng Malacañang.
Pero siyempre, iyan din ang pagtiyak ni Apo Makoy at Pareng Erap bago sila mapatalsik.
-----$$$--
Napakahalaga ng “katotohanan” gaano man ito kapait lalo pa’t nasa proseso ng serye ng mga desisyon.
Maunawaan sana ito ni PBBM: Kailangan niya ng matatapat at matatalinong tagapayo — hindi ang simpleng sipsip at hunyango lamang.
-----$$$--
MAHALAGANG matukoy ni PBBM kung paano nagsimula ang sigalot, at kung paano mareresolba ito.
Hindi na kakandidato pa sa 2028 si PBBM — pero ang maniobra sa loob ng kanyang kampo — ang susunog sa kanyang magagandang nagawa sa bansa.
---$$$---
SA totoo lang, hindi dapat ipagamit ni PBBM ang kanyang poder upang sirain ang sinumang aspirante sa 2028 election.
Dapat siyang maging patas o neutral — ‘yan ang legacy na dapat niyang ipamana sa mga kabataan.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comments