top of page
Search
BULGAR

Kailangan natin ng de-kalidad na chopper tuwing may disaster, period!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 30, 2020



Dahil sa sunud-sunod na mga bagyong nanalanta, saka natin nalamang kakarampot lang pala ang ating mga air assets na ginagamit para sa relief at rescue operations. Nakakaloka!


Iilang piraso lang ang ating medium lift aircraft o mga chopper, at ang apat nating C-130 o cargo planes ay halos kakarag-karag na. Ang isa ay inire-repair at matatapos daw sa Disyembre; ang dalawa ay nasa Portugal undergoing maintenance at due to fly out daw next year. Santisima!


Alanganin tayong matawa o malungkot. Nakalulunos isipin na priority natin ang Human Assistance and Disaster Relief pero wala naman tayong bagong medium lift. Tapos ‘yung nag-iisang cargo plane na lumilipad, lumang-luma na rin. Nakakalerki talaga!


Tulad niyan sa Cagayan, may mga isolated na lugar ang hindi agad narating ng mga relief operations by-land kamakailan dahil sa pagbaha, at chopper lang ang paraan para maghatid ng tulong. Sumabay pa ang maraming lugar sa Luzon na lubog din, so, papano na lang?


IMEEsolusyon natin d’yan, pag-usapan, planuhin at titilad-tilarin natin kasama ang ating mga kapwa senador, ang mga kailangang equipment o aircraft. Need nating magkaroon agad-agad ng sapat na masasakyang pang-rescue at relief ops.


Aminado naman tayong nasa gitna tayo ng pandemya at super-hirap talagang maghanap ng budget. Pero sisikapin nating magawan ng paraan para maka-ayuda tayo ng maayos sa mga kababayan nating nadadale ng mga sakuna.


Iba kasi kapag may mga chopper na de-kalidad lalo na tuwing may disaster. Mas mabilis makakarating ang tulong at mapupuntahan ang mga kababayan nating nasa kasuluk-sulukang panig ng bansa na hindi naaabot by-land ng mga ayuda, ‘di ba?!


Basta keep our fingers crossed na madagdagan pa ang ating mga military helicopters at planes. Keri natin ‘yan!

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page