ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | January 4, 2024
Dear Chief Acosta,
Ako ay isang restaurant manager. Noong ako ay nagkatrangkaso, tatlong araw akong absent sa aking trabaho. Sa aking pagbalik, binigyan kaagad ako ng memo tungkol sa aking pag-absent nang biglaan at ako ay kaagad isinailalim sa preventive suspension sa loob ng 10 araw. Tama ba na gawin sa akin ito ng aking employer? - Michael
Dear Michael,
Para sa iyong kaalaman, mayroong napagdesisyunang kaso ang Korte Suprema na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Sa Valiao vs. Court of Appeals (G.R. No. 146621, July 30, 2004, Ponente: Honorable Associate Justice Leonardo A. Quisumbing), nakasaad na:
“Finally, the Labor Arbiter found that petitioner is entitled to salary differentials for the period of his preventive suspension, as there is no sufficient basis shown to justify his preventive suspension. During the pendency of the investigation, the employer may place the worker concerned under preventive suspension if his continued employment poses a serious and imminent threat to life or property of the employer or of his co-workers. But in this case, there is no indication that petitioner posed a serious threat to the life and property of the employer or his co-employees. Neither was it shown that he was in such a position to unduly influence the outcome of the investigation. Hence, his preventive suspension could not be justified, and the payment of his salary differentials is in order.”
Sang-ayon sa nabanggit, ang preventive suspension ay maaaring ipatupad kapag ang empleyado ay iniimbestigahan sa posibleng violation ng company rules or policy at ang kanyang patuloy na pagtatrabaho ay nagdudulot ng seryoso at napipintong banta sa buhay o ari-arian ng employer o ng kanyang mga katrabaho. Kung wala nito, hindi maaaring ilagay sa preventive suspension ang isang empleyado.
Ibig sabihin, hindi tama ang pagsasailalim sa iyo sa preventive suspension sa kadahilanang ikaw ay nagkaroon ng maraming absent, sapagkat wala namang indikasyon na ang iyong pagpasok ay magdudulot ng seryoso at napipintong banta sa buhay o ari-arian ng employer o inyong mga katrabaho.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments